Nararamdaman mo na ba ang simoy ng hangin? Napakalamig ano? Tila ba, konti na lang. Yelo na ang babagsak mula sa kalangitan. Parang kailan lang, sobrang init pa. Parang kailan lang, di pa tayo magkakillang dalawa. Parang kailan lang nang maging magkaibigan tatong dalawa. Parang kailan lang, pinagpapawisan ka agad kahihila sa akin na sumama sayo para maligo sa ilog. Parang kailan nga lang, naiinis ka pa dahil ayaw mo pang pumasok sa eskwelahan. Parang kailan lang pinipilit pa kitang pumasok at kumuha ng litrato nating dalawa dahil doon ka lamang talaga matamis sakin. Parang kailan lang...
Nararamdaman mo ba? Teka, hindi yung hangin ha? Kundi yung pangingig ng aking mga kamay dahil sa sobrang lamig. Alam ko, medyo nagtataka ka na kung bakit pa ako nagtatanong eh halata namang alam mo na. Kung gayon, pasensya na. Naniniguro lang ako kung may pake ka pa, baka kasi mamaya lumamig ka na rin pala
Pero kasi alam mo? Napakahirap masanay sa isang bagay na wala kang alam na mawawala pala. Napakahirap masanay sa isang bagay na akala mo andyan lang, pero nawala na lang bigla at napakahirap masanay sitwasyong nilulunod ka sa pag-asang meron pa pero ang totoo wala naman pala talaga! Wala naman! Wala na talaga.
Hindi kita sinisisi sa biglaang pagkahulog ko sayo sinta, wala namang dapat sisihin kundi ang sarili ko lamang hindi ba? Pero bakit pinipilit kong paniwalain ang sarili ko na kasalanan mo? Pinipilit ko dahil hinihiling ko na sana noong panahon na hinihila mo ako papunta sa ilog ngunit umaayaw ako, hindi mo na lang sana hinigpitan ang hawak mo, binitawan mo na lang sana ako.Na sana noong panahon na pinipilit kitang pumasok sa eskwelahan ay hindi ka na sumunod sa aking paglalakad, sana hinayaan mo na lang akong mag-isa. Sana iniwan mo na lang akong nag-iisa kung ganoon din naman pala ang gagawin mo ngayon sinta.
Sana hindi na lang kita sinama kung ganito din pala. Kung makikilala mo rin sya, sana hindi na lang kita pinakilala. Alam ko, medyo makasarili pero sana hindi na lang talaga kung sya rin pala ang magiging dahilan kung bakit gusto mong sumama sa eskwelahan. Kung bakut gusto mo pumasok sa librarya. Kung bakit gusto mo akong katabi sa silya. Kung bakit gusto mo laging nasa eskwela. Kung bakit gusto mong sa litrato'y akoy kasama. Sana hindi ka na lang sumama, kung sya rin naman pala ang gusto mong kasama.
Sana hindi ka na lang sumama sa kanya dahil mahal, may isang ako pa.May isang ako na handang sumunod sa iyo sa pinakamalalim mang parte ng ilog. May isang ako, na handang sumama sayo saan mang sulok ng eskwelahan mo gusto. May isang ako na parating usunod sayo kahit pa sya naman ang sinusundan mo. May isngako na tatabi sayo, kahit sya pa ang gusto mong makatabi. May isang ako na yayakap sayo kapag nararamdaman mo na ang lamig sa panahong ito.May isang ako, mahal. May isang ako na nandito lang sa tabi mo. May isang ako. Na handang magmahal sayo HINDI MAN AKO ANG GUSTO MO. May isng ako na talagang magmamahal sayo kahit napaimposible mang mahalin mo. May isang ako na sobrang saya makita ka sa isang larawan na katabi ko kahit di naman tayo.
Kayat mahal,May hiling lang ang isng katulad ko, nawa'y ang ating naumpisahan ay hindi maging katapusan.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetrySpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...