Milyon milyong segundo,
Minu minutong nakatitig sa mga mata mo,
Pero ano ang napala ko?
Mga oras inilaan sayo,
Lahat ginawa ko maibalik lang ang dating "TAYO".Ang dating relasyon na kay sigla na puno ng saya,
Saan ba ako nagkulang?
Mali ba ako?Mali bang mahalin ka?Mali bang magmahal ng sobra?Diyos ko saan ba ako nagloko?
Buong puso ko binigay sayo,
Andito nanga ako sa puntong tangang tanga sayo.
Nagpauto na ako,
nagpakabulag na sanay mahalin mo,Pero ano?
Lahat ginawa ko kulang nalang manalo ako sa 'lotto'
Kaso wala ng pag asa to,
Kasi ako nalang,ako nalang!Sabi mo mahal mo ako!
Ilang ulit mo sinabing ang salitang 'TAYO'.
Naghintay ako habang nakatayo,
Nagbabaksakali na sanay lapitan mo,Bubuhos na sana to,
Pero ayaw kong makita mo!
Ang luha na ikaw parati ang dahilan,
sa kasiyahan man o kalungkutan.Pero ngayon nagbago na!
Sa mga yakap mo nalang ba ako magiging masaya?
Sa mga labi mo nalang ba maipapadama?
Sa mga korning joke mo nalang ba ako mapapatawa?
Ano ba naman yung tayoy magkasama?Bakit ni minsan di ko makita sa iyong mga mata.
Iba na ba talaga nag nagpapasaya?
Di ba sabi mo noon gusto mo ng pangmatagalang relasyon,
Gusto mo ba talaga?ba't di mo binibigyan ng aksiyon.Mahal mo ba talaga ako?
O sadyang makati lang yang puso mo!
Kung totoo yung sayo din bakit napaka effortless mo?Di ba magtatagal tayo?
Sabi mo pa nga hanggang dulo.
Kaya mahal tulungan mo ako
Maibalik ang 'AKO' ang 'IKAW' sa dating ''TAYO''
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetrySpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...