Sige, kakain na ako ng malapot na binatog
Pipilitin ko na ring kumain ng papaya
Kakain na rin ako ng maasim na manggang hilaw
Basta huwag na huwag ka lang kaagad na bibitawSige, isosoot ko na yung mga damit na sa tingin mo ay bagay sa akin
Basta wala ka nang iba pa na hahanapin
Papalitan ko na yung mga paborito kong polo na komportable lang
Para sa mga mata mo ay maging kaaya-aya at presentable langSige, gagawin ko nang katanggap-tanggap para sa akin ang mga taong makasarili kagaya mo
Dadamayan ka sa lahat-lahat
Sige, kahit wala nang pumunas ng luha ko
Bawing-bawi ka naman kasi kapag ngumiti ka na
Isang tingin mo lang kasi
Yung impyernong tayo, agad-agad, nagiging langit naMagpapatiwakal muna siguro yung totoong ako
Para tuluyan nang mabuhay yung ako na hinubog ng isip mo
Gagawin ko yon makapiling ka lang sa bawat sandaliGanun talaga
Pag-ibigti.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
شِعرSpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...