Hangga't may ilaw ang parola
Hindi ako magsasawang maghintay sayo sinta..
Hangga't may along humahampas sa aking mga paa
Hindi ako mawawalan ng Pag-asa na babalik ka pa..
Hangga't humahalik ang araw sa dagat tuwing takip silim
Hinding hindi ako bibitaw sa pangakong ikaw at ako pa rin..Malimit tayo noong maglaro sa dalampasigan
Mga batang tila prinsipe at prinsesa sa kastilyong buhangin..
Pinagsasaluhan ang mga baong mais at kakanin..
At tuwing dapit hapon ay sabay pagmamasdan ang takip silim..Lumipas ang panahon..
Ganap na tayong binata't dalaga
At tuwing uwian ang deretso ay sa parola
Lihim na nagkikita dahil ang Pag-ibig natin ay bawal pa..At doon.. doon nangyare ang una
Unang haplos, unang halik at natapos sa huling indayog
Noon pa man batid ko ng siya ang aking iniirog
Felizidad, kay ganda ng kanyang ngalan
Na ang ibigsabihin ay kagalakan..
Dumadagdag ang perlas na hikaw sa kanyang karikitan
Ngunit madalas maputla at mahina ang katawanParehas kaming natanggap sa Kolehiyo
Ako'y nalinya sa pag-aarkitekto at ikaw naman sa pagnenegosyo
Isang hapon isang balita ang sakin ay gumimbal..
Isinugod ka raw sa malayong ospital
Habang bumabyahe ikaw lang ang tanging dasal..
Huwag sanang kunin ka agad sa akin ng maykapal..Malubha na raw ang kanyang karamdaman
Mga katagang nagpalumo sa akin ng tuluyan..
Ang dating ngiti ay napalitan ng hikbi
Sige lang maghinagpis kasabay ng mga pisngi na umimpis..
Unti unting nalagas ang kanyang buhok
Dumadaing sa sakit na nagpaparupok..Hindi pa naging madali ang lahat sa atin
Tadhana'y sinusubok tayong paghiwalayin
Tutol ang kaniyang mga magulang sa aking pagbisita
Bilang na bilang ko sa aking kamay ang ating pagkikita
Pinabugbog nila ako sa inyong tauhan
Hindi na ako nakapanlaban pa dahil sa saksak sa aking tagiliran
Nagising sa masukal at madamong kapaligiran
Maswerte pa at humihinga at pinagbigyan
Pero Inilayo ka na nila sa akin ganon na lamang..Huli nating paguusap ay sa telepono
Dama ko ang paghikbi sa mukha mo
Bumuhos ang mga luha na walang preno
Itutuloy ang mga nasimulang plano
Noon din ay nangakong "tayo" hanggang sa dulo..Makalipas ang limang taon dumalaw ang isang kaibigan..
Ibinalita sa akin na sa ibang bansa pala ipinagpatuloy ang iyong gamutan
At sa kasamaang palad doon,
Doon ka na rin daw namaalam
Limang taon bago ko ito nalaman
At sa limang taong yon nandito lang ako sa dalampasigan
Nag-abang, umasa at halos nasiraan na ng bait
Balbasarado na at tila hindi na makilala sa suot nitong gunit-gunit..Ngayon pa lamang ako nagluluksa
Ngayon pa lang..
Ngayon pa lamang ako nagdadalamhati Ngayon pa lang..
Tapos na ang aking paghihintay
At sa lalim ng dagat nais ko na ring magpatangay..
Dahil ang buhay kong ito ay wala na rin namang saysay..Tumatangis ang buong kalangitan
Naglalagablab ang galit sa buo kong kalamnan
Kumukulog, kumikidlat parang gusto akong sabayan
Saksi ang parola sa nagdilim kong kapalaran
Bumabagyo ng mga oras na iyon
Tamang tama upang sumabay ako sa alon
Buong tapang kong hinarap ang delubyong paparating
Hindi magtatagal at magtatagpo din ang mga diwa natin..
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetrySpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...