Sya ay si Ginoo'ng Juanito,
Nagmula sa tao'ng 1892.
Lalaking iniibig ng karamihan,
Si Carmela ang napusuan.
Balik tayo sa kung sa'n nag-umpisa,
Doon sa puno ng mangga.
Personalidad man ay magkaiba,
Itinakda ang kasal nila'ng dalawa.
Carmela'y nawalay sa pamilya,
Pangalan nya'y naging Carmelita.
Sa ibang panahon sya'y napunta,
Kung sa'n sya'y hindi kilala.
Pinagtagpo man dahil sa isang misyon,
Magkaiba man ang henerasyon.
Dumaan man ang mga panahon,
Naging matatag parin ang kanilang relasyon.
Pag-iibigan nila'y walang kapantay,
Lahat ay kaya nilang ialay.
Magkahawak ang mga kamay,
Sabay na lumalaban para sa tagumpay.
Naganap ang mga digmaan.
Sa relasyon ay may mga pumagitan.
Dalawang mag-irog ay lumalaban,
Upang manaig ang pagmamahalan.
Subalit sila man ay pinagtagpo,
Gumawa ng mga pangako.
Silang dalawa'y hindi itinadhana,
Ng ating mahal na bathala.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetrySpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...