Paano nga ba ang magmahal?
Yun ba yung gusto kita
Pero hindi ko naman masabi sabi sayo
Kase nga natatakot ako
Natatakot ako na baka hindi mo ako gusto
Kaya mas pinipili ko nalang na magkaibigan nalang tayoNa sa bawat araw na makita kita
Tuwa sa puso ko ang dala
Na handa akong magtiis sa gitna ng mainit na sikat ng araw Nagbabasakali na mapansin mo balang araw
Na sana payungan mo kahit na wala kang dalang payong
Kundi isa lamang dahon na iyo lamang napulot sa tabi
Habang magka tabi tayo at masayang nag uusap
Na tanging hiling ko lang na sana
Na sana magtagal pa
Magtagal pa yung init para makasama pa kitaGusto lang ba talaga kita
O di kaya mahal na kita
O sadyang minahal na kita noon pa
Pero diko lang masabi sabi sa sarili ko kasi natatakot ako
Natatakot ako na baka ereject mo akoOo Mahal kita...
MA-HAL KI-TA...
Mga katagang gusto kong sabihin sayo
Na gusto ko ring marinig mula sayo
Pero paano?
Sino lang ba ako para magustuhan mo?
Isa lang akong ordinaryong babae na nagkakagusto sayo
Ikaw naman ung mabait na almost perfect na lalakeGusto kong balikan
Kung paano tayo nagkakilala
Naaalala mo pa ba?
Naaalala mo pa ba yung mga araw na una tayong nag chat?
Yung araw na tinanong mo ako na pwede nabang mainlove?
Yung araw na unti-unti nadin akong nahuhulog sayo?
Pero naghintay lang ako sa wala
Pinaasa mo itong puso ko
Yung puso ko na hanggang ngayon e umaasa parin sayoIlang buwan ng lumipas pero ikaw,
Ikaw parin ang laman nito,
nitong puso kung sabik sa yakap mo
Hindi ko alam kung bakit kita nagustuhan
Basta bigla ko nalang itong naramdaman
Kase hindi mo naman masasabe kung kelan ka tatamaan
Dahil Para lang akong isang tanga
Ayy hindi tanga nga siguro talaga ako
Kasi hanggang ngayon ikaw parin ang laman nito
Ang laman nitong puso ko
Nagbabasakali na iyong mahalin
Mahalin na hindi na papaasahin
Isang babae na naging tanga ng dahil sa pagibig
At patuloy parin na nagmamahal sayo ng palihim
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetrySpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...