Sa dami ng nangyari
Sa dami ng hindi inaasahan
Ang pagdaloy ng iyong tinig
Sa mga balahibo ko sa braso
Ang hinding-hindi ko malilimutan
Ang paglalakad ng mga katinig sa aking balikat
Ang paggapang ng mga patinig sa aking leeg
At ang pagkandirit ng iyong tinig sa aking tainga
Ang pagpatid mo sa aking mga litid
Nang sinabi mo nang may hiya,
"Gustung-gusto din kita"
Makakalimutin ako
Pero hindi ko malilimutan yun.Hindi ko malilimutan kahit palyado na ang utak
Kung paano mo ko tinitigan
Kung paano mo ko kinausap
Hindi ko malilimutan ang paglalapat ng ating mga palad
Ang pagsasalit-salit ng ating mga daliri
Mga nangyaring hindi na natin nawari
Ang paghigpit ng hawak habang tumatagal
Hindi ko malilimutan yung bago nating pagmamahal.Hirap akong makatanda ng mga pangyayari
Kaya nga hindi ko kailanman inasahan
Na yung mga pinakalumang alaala ko sa'yo
Hinding-hindi ko pa rin nalilimutan.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetrySpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...