Noong unang araw ikay aking nasilayan
Mga ngitin moy, hindi mawaglit sa aking isipan
Saksi si bathala sa aking kasiyahan
Mga mata'y nag niningning na para bang walang hangganan.Ilang piso na nga ba, ang aking sinayang
Masilayan lang ang napakaganda mong larawan
Ilang gabi ang aking pinagpuyatan
Makausap kalang ng masinsinanCrush... Crush... Crush
Limang letra na sa aking nag papasaya
Limang letra na aking binibigyang halaga
Limang letra na katumbas ay pag papakatanga.Hanggang kailan pa kaya, papasok sa aking isipan
Ang katotohanang hind moko kayang mahalin
Umaasang ikaw at ako
Sa huli ay tayo.Sinubukan ko naman
Itago ang aking nararamdaman
Na parabang anino, sa aking likuran
Para akong bata na nakikipag habulan.
Salungat sa aking nararamdaman.Minsan napapaisip ako na sana'y
Naging bata na lang ako
Para sugat sa siko at tuhod lang ang aking natatamo
Hind sa puso na may pilat dahil Sayo.Madalas gusto kung itanong sayo
Na ano nga ba? Ang meron sya na wala ako
Hind naman ako kapalit-palit
Gaya ng alam mo.Isa lamang akong simpleng tao
Na umaasang magiging tayo
Nangangarap na sa huli ikaw at ako
Dadaan sa dambanang patungo sa dulo.Sabay na tatanda at gigising sa umaga
Mag kasama sa lungkot at ginhawa
Tila ba puro saya ang aking nadarama
Mag kahawak ang ating mga kamay kasabay ng pag lubog ng arawPero ngayun ikaw ang rason ng aking pag iyak
Tila ba katulad ng ulan ang mga luhang pumapatak sa aking harapan Bugso ng damdamin ang gusto kumawala sa hawla ng kahirapan
Kasabay ng bagyo ang pag-asang ikay makakalimutanAt sa wakas dumating narin ang tamang pahanon
Na kaya ko nang humarap sayo
At sabihing salamat sa pag papaasa mo
Dahil sayo tumatag ako ng ganito.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetrySpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...