Nanaalala ko ang unang araw o gabe
Hindi ko na alam kung anong nangyare
noong una kitang masulyapan
Para bang may anghel na dumaan sa aking harapannoong akoy iyonngitinian sa unang pagkakataon
noong aking nasulyapan ang anghel na nagpabago sa aking buhay hanggang ngayonNoong narinig ko ay iyong pangalan
Noong narinig ko ang iyong tinig
Noong araw na ikaw na ang na sa aking panaginipPara bang gumuho, nagkadigmaan, nagunaw, at tumigil ang aking mundo at ang aking isipan
Para bang hindi ako makaalis sa aking kinakaupuan
Nakatitig ang mga matang ito at akoy nasa iyong harapan
Para bang nakuryente ang aking katawanSimula ng araw na iyon ikaw na ang laman ng panaginip at isipan
Ipinagdadasal na araw araw kitang masulyapanSa paglipas ng araw hindi ko namamalayan
Ikaw na isinisigaw ng aking puso
Para bang hindi makukumpleto at hindi makukutento na hindi ka masulyapan
Akoy siraulo, gago, gwapo, palabiro
Ngunit kapag ikay nasa paligid para bang natutuliroLumipas ang mga araw na ikay hindi nakikita
Ano nga ba ang aking mapapala
sa hindi pagsasalita
at sa segusegundo nakatitig sayo ang aking mga mata
Kaya hindi ko igigiit na akoy naiinggit
Sa mga taong lagi mong kasama
Para bang ang ating mundoy lumalawak na nooy masikip
Tsansang ikay mapa saakin tila'y lumiliit
Oras ay umiiksi, kinukulang at tilay hindi nakikisamaKaya'y naisip ko na ipagpaliban na lamang
Ang aking tunay na nararamdaman
Ngunit hindi magawa kahit anung aking gawin hindi ka pa rin maalis
Sa aking isipan kong pilit kang winawalisBakit Ikaw padin ang nagrereyna sa aking isip
Ikaw padin ang aking nasa panaginipHindi ko magawang humanap ng iba
Ikaw padin ang nagmamayari ng aking puso
Ni hindi ko kayang tumingin sa iba
Ikaw padin ang aking buhay at mundoKayay damdamin man ay ipinagpaliban
Naniniwala ako na kung ano man ang ibato mo sa kalawakan
Ay ibabalik sayo na may interes pang kasama
Kayay ang aking damdamin ibabato at isip koy lalawakan
Upang pagbalik nito hindi lang damdamin kundi pati ikaw ay kasamaAkoy aalis pero akoy muling babalik
Sa tamang panahon at kapag ikaw ay handa at sabik
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetrySpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...