SWP - INA

272 4 0
                                    

Siyam na buwan na ako'y dala dala,
Isinilang,binihisan,binigyan ng pangalan at inaruga,
Ganyan ang pagmamahal ng isang babae,
Babaeng tatawagin kong 'INA'

Ina, ang ilaw ng tahanan,
Ang nagsisilbing gabay sa aking daanan ,
Sa mga problema siya'y masasandalan,
Dahil pagmamahal niya'y walang hangganan

Ang mundo ay mapagbiro,
Ang paglalakbay ko ay di perpekto,
Minsan mapanghusga ang mga tao,
Minsan tuwid at maganda ang madadaanan ko,
Minsan naman ay mabato at baku-bako,
Ngunit sa panahon ng pagkakadapa ko,
May isang inang nagsasabing
'nandito lang ako'

Ngunit sa kabila ng aking mga ngiti,
Sa sobrang galak na halos mapunit ang labi ,
Ay may isang inang pagod,gutom at nagkukunwari,
Nanlalambot ngunit nagtitigas-tigasan ,
Nanghihina ngunit naglalakas-lakasan,
Maibigay lang ang mga pangangailangan

Isang araw nakaramdam ako ng takot
Takot,na nagmula sa isang bangungot
Mga tuhod ay nanghina,mga mata ay lumuha
Nabalot ang dibdib ng labis na pangamba
Sa isang masalimoot na panaginip
Ako ay napaisip
'paano na kapag lumisan ka?'
'paano kapag kinuha ka na?'
'paano na kapag binawi ka?'
Ang mga luha ba ay titila pa? O ang munting paslit ay iiyak ng iiyak ng wala ng hangganan pa?

Sa aking paggising ,ako'y manlalambing,
Isinusumpa ko sayo mama, habang ika'y nabubuhay pa,
Mamahalin kita ngayon na para bang ang bukas ay mawawala na,
Paulit ulit kitang hahalikan ,kahit ang mga labi ay mapudpod pa,
Di ko lilimotin ang mga hawak mo sakin noong ako'y paslit,
Kaya naman yayakapin kita ng sobrang higpit,
Unti-onti kong sasambitin,
Ang mga katagang '"MAHAL NA MAHAL KITA"
At patuloy akong magpapasalamat dahil ikaw ang aking nag-iisang 'INA'

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon