Kitang-kita pa rin kita
Mula sa nakakatunaw na tingin mo sa mga mata ko
Hanggang sa maliliit na ngiti na kay daming ibig sabihinKitang-kita ko pa ako
Yung animo'y wala sa sarili
Naliligaw sa kalawakan ng sarili kong katotohananKitang-kita ko pa rin yung totoo
Yung mga kutsilyong sinaksak mo sa likod ko
At ang mga dugong hinding-hindi mo pupunasanAng sarap nating makita
Ang sakit nating titigan.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetrySpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...