SWP-PINAGTAGPO O PINAGLARO?

389 3 0
                                    

 Ang alam ko okay tayo
Ang alam ko masaya tayo
Ang alam ko mahal mo ko.

Diba mahal mo ko? Kasi yun yung sabi mo.
Walang iwanan, pero sinong nang iwan?
Walang bibitaw, pero una kang bumitaw.

Walang susuko, pero sinukuan mo agad ako.
Ano na nga bang nangyare sa ating dalawa?
Ba't tila nag iba? nag iba ang daloy ng sitwasyon. 

Bumilis ang oras at napunta sa panahon na nagkakalabuan na.
Sa panahon na ayokong puntahan at wala akong balak puntahan.
Wala akong magawa para sa ating dalawa. 

Hinayaan ang takbo ng ikot ng mundo.
Hanggang humantong Tayo sa kung saan nagbago na. nagbago ka.
Anong nangyare sa IKAW AT AKO?

Tila nawala ang "IKAW" at ang natitira ay ang "AKO"

Lumalabo na ang salitang TAYO
"TAYO" na binuo ng "IKAW" at "AKO"
Tayo na pinagtagpo pero hindi itinadhana
.

Pinagtagpo nga ba o Pinaglaro?
Kung pinaglaro lang tayo, Salamat
Salamat kasi naging masaya ako
Salamat kasi nakilala ko ang tulad mo
Salamat kasi ni minsan naramdaman kong importante ako
Pero tulad nga ng sinabi ko, PINAGLARO LANG TAYO.

Nagbago na ang Ikaw at Ako
Nakarating na Tayo sa dulo.

Sa dulo na mayroong Dalawang Daanan na nagpapahiwatig na kailangan na nating maghiwalay. Kailangang tanggapin na mawawala na ang salitang TAYO.
Tapos na ang kwento.
Mahal, Tapos na tayo.  

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon