SWP - SAMPUNG DAHILAN BAKIT TAYO INIIWAN

221 1 0
                                    

UNA - Wala ng time

– Ewan ko ba kung bakit sumasagi pa sa isip ng taong workaholic ang maglovelife. Kung nag-aaral ka, magtapos ka na muna kung ayaw mong may kahati ka sa oras. Kaya madalas yan ang nagiging dahilan kung bakit nag-aaway ang mag-jowa na nagreresulta naman sa hiwalayan. Ang maramdaman kasi na mahalaga ang isa't-isa ang importante sa lahat, at tanging TIME lang ang makakapagpadama nun. Kaya madalas naiisip nalang na baka hindi sya mahalaga kaya hindi na nabibigyan ng time.

PANGALAWA - Nakakasakal na!

– Okey lang ang magselos, natural lang yan. Pero ang magselos ALL THE TIME, hindi na normal yan. Yung tipong lahat nalang pinagseselosan niya, kahit bestfriend mo lang. Ang masaklap kapag sinabi mong "kaibigan lang" yung kasama mo last day, hindi ka pa paniniwalaan. Then, ipipilit pa niya yung kanyang side, kahit mali. Kaya paminsan humahaba ang ganyang hindi pagkakaintindihan, hanggang sa narerealize mo nalang na nakakasal na pala. Nakakasakal na yung mga pagkakataong lagi ka niyang pinaghihigpitan.

PANGATLO - Wala ng spark

– Mahalaga na pinapanatili niyo ang spark at kilig sa isa't-isa kahit abutin man ng taon an relasyon niyo. Dahil dumadating sa punto na wala na yung kuryenteng dumadaloy sayo sa tuwing yayakapin ka niya at sa tuwing hahawakan niya ang kamay mo. Maging yung moment na tumitigil sa pag-ikot ang mundo sa tuwing nagkakatitigan kayo.. at ang masaklap pa, WALA NA KAYONG KILIG SA ISA'T-ISA. Kaya kung minsan dumadating sa puntong tinatapos na lang lahat, kase wala ng gana. Marahil minsan lang kayo magkaroon ng time sa isa't isa, minsan niyo lang nasosolo yung moment. Madalas rin kayong nag-aaway. Kaya na yung kilig at spark sa relasyon niyo.

PANG APAT - Masyado syang nasaktan sa nagawa mong kasalanan

– "Sorry baby, pinilit niya kase akong makipagkita sa kanya, pinagbigyan ko lang. Pero ikaw talaga ang mahal ko, maniwala ka" kapal ng muka noh? Matapos makipagkita sa ex niya nang hindi mo nalalaman, SORRY lang ang katapat? Ni hindi mo nga alam kung san sila nagkita nung araw na yun at kung ano ba ang ginawa nila nung nagkita sila. Naisip mo na baka mahal pa niya ang ex niya hanggang ngayon kaya halos mamatay ka sa sobrang sakit na nagsinungaling sya ng ganun. Kaya matuto dapat mag-ingat sa mga nagagawang kasalanan, kung minsan kase wala ng katapat na kapatawaran kundi hiwalayan lang.

PANG LIMA - May nakitang syang mas better sayo

– Sinasabi ng karamihan na "Kung mahal ka niyan, hindi ka ipagpapalit kailanman", kaya madalas tayong mga boyfriend/girlfriend kampante. Hindi naman masama ang mag make-up o magbago ng haircut kahit minsan, magpaganda/magpagwapo pa rin kahit alam mo na hindi ka ipagpapalit. Gusto ko lang sabihin sayo tropapits, baka mali ang nasa isip mo. Hindi natin sila masisisi na makakita ng mas better sayo, kaya importante na marunong ka ring mag-ayos kahit minsan, specially kapag nagde-date kayo para sure na sayo lang sya nakatingin. Kung minsan hindi naman dahil sa physical appearance kaya ka pinagpalit. ATTITUDE din bes, may mga tao talagang lumaki ng may GMRC (Good manners and Right Conduct) kaya hindi sila sanay na may naririnig na mura sa environment niya. Mahirap rin na ang mga ayaw niyang marinig sa environment niya ay sayo pa maririnig, mahirap yan bes. Maganda ka nga, masama naman ang attitude mo, wala din! Kaya try to be a better one ALWAYS.

PANG ANIM - Masyado kang ma-pride

– Kabaligtaran naman ito ng no. 6, kung hindi mo sya kayang patawarin sa mabigat niyang kasalanan hiwalayan mo nalang, mahirap ang magpatuloy sa relasyon kung deep inside masakit na sayo ang manatili sa piling niya. Pero kung may mga bagay na nagawa ang jowa mo, isang napakaliit na bagay, patawarin mo. Ang makagawa ng isang bagay na hindi naman sinasadya, ay hindi isang BIG DEAL, tao lang tayo natural ang ang magkamali. Kung nakikita mong deserve niya ang patawad, wag mo ng pahabain. Walang mangyayari kung hindi mo binababa ang pride mo. Kaya paminsan naiisip nalang nila na makipaghiwalay nalang kaysa masaktan ka nila ulit sa mga nagagawa nilang kasalanan.

PANG PITO - Ginamit ka lang

– Isa ito sa masaklap na dahilan kung bakit iniiwan tayo ng mahal natin, ginamit lang pala tayo. Dahil sa top 1 ka sa klase, niligawan ka niya para lang may source sya ng mga isasagot sa exam, ultimong project, activities, and assignments niya ikaw ang gagawa. Manggagamit! At dahil kung minsan pakiramdam niya na wala ka ng pakinabang its either may bago na syang nakilala na mas matalino sayo at mas mayaman sayo or nagsawa lang sya.

PANG WALO - Wala ng 

– Katulad din yan ng naunang dahilan. Bago pa maging kayo ng jowa mo, malaya sya na makapaglaro ng basketball o malaya sya na makasali sa mga cheering squad. Kaya kahit kayo na wala ka pa ring karapatan na alisin ang kasiyahan niya. Sa halip, suportahan mo nalang at sabayan sa mga bagay na libangan niya. Bf/gf ka lang, kaya kahit nakatali kayo sa isa't isa, bigyan mo sya ng freedom. Baka masakal yan sayo, mahirap na!

PANG SIYAM - Iniwan ka ng walang dahilan

– Masakit ang maiwan dahil pinagpalit ka or sawa na sya sayo, pero mas masakit ang maiwan nang hindi mo alam ang dahilan. Yung tipong wala kang idea kung bakit ganun ang nangyare, blankong blanko ang utak mo. At ang masakit pa kapag tinanong ka ng kaibigan mo kung anong nangyare sa relasyon, wala kang maisagot saklap bes!

PANG SAMPU - Against sa inyo ang mundo

– Walang kampi sa relasyon niyong dalawa, yun lang yun. Kaya pinipili niyo ang maghiwalaya nalang, dahil wala kayong nakikitang tao na su-support sa niyo

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon