SWP-TULANG WALANG PAMAGAT

300 0 0
                                    

Mahal, Naaalala mo pa ba yung mga panahong tayo'y masaya pa?
Yung bawat ngiti sa kulitan nating dalawa na nakikita sa mapupungay nating mga mata
Ito pa ba'y iyong naaalala?
Dahil ako, oo kasi miss na kita

Miss kita di dahil gusto kitang makita
Kundi namimiss ko yung pagtrato mo sakin na para bang isang prinsesa
Miss ko na
Miss ko na dahil lahat nagbago n
a

Mahal, may tayo nga pero parang wala
Ano ba kasi ang dahilan kung bat parati kana lang wala?
"Mahal, busy ako"
Busy? busy sa iyong ipapalit?

Ay mali, mali ako.
Dahil meron ng pumalit, meron ng pumalit sa pwesto ko sayo.
Pero mali talaga eh.
Mahal, maling mali.

Kasi kung yan lang naman pala ang dahilan, ano pa nga ba ako?
Isang TANGA na naghihintay ng oras at pagmamahal?
Naghihintay sa taong wala namang pakialam sa'king nararamdaman?
Sa sakit na aking dinaramdam?

Ano? Ano ako sa mundo mo?
Mundo mong parang walang ikaw at ako
Mundo mong walang tayo
Tayo na ako lang ang bumubuo

Pagod na ako.
Pagod na 'ko sa lahat ng sakripisyong dinanas ko
Sakripisyong ginawa ko na para sayo wala lang lahat ng ito
Lahat ng sakit na nararamdaman ko

Na mas lalong sumakit ng nalaman kong habang sinisigaw ko sa buong mundo na ikaw ang taong mahal ko,
Isinisigaw mo naman sa kaparehong mundo ang pangalan ng taong mahal mo
Na akala ko ay ako,
Pero yung bagong nagpapatibok ng puso mo

Minsan, naiisip ko na bat di ko magawang isuko?
Isuko ang labang ito kahit na durog na ang puso ko
Durog na durog na sa pinanggagagawa mo?

Pero mahal, alam kong alam mo
Na nasasaktan na ako
Kaya mas pipiling kong maging masaya ka sa piling nya
Kahit kaakibat nito ay ang pagkadurog ng durog kong puso

Dito ko tatapusin ang tulang ito
Tulang hanggang ngayon, di ko lubos maisip kung ano ang pamagat
Tulang parang isang librong nakapaloob ang ikaw at ako
Pero sa mundo mo, walang nabuong tayo

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon