Isinulat ko ito hindi para ibalik kung anong meron tayo dati
Dahil alam kong wala ka ng pake.Isinulat ko ito para malaman mo kung gaano kasakit
Sa bigla mong paglisan na dulot ay paitBakit nga ba nawala na parang bula
Pagmamahal na panandalian lang palaNagparamdam pero walang balak manatili
Sa biglaang mong pagdating puso ay sumiglaMukhang nakasimangot ay muling tumawa
Muling sumigla ang katawang malumbayAng dating madilim ay nagkaroon na ng kulay
Sabi mo noon natatakot ka na baka ako ang bumitaw
Pero sana natandaan mo yung sagot ko na hindi ako bibitaw hangga't walang rason para bumitawPero bakit ka bumitaw? Bakit ka umayaw?
Walang rason pero nagkarason ka para iwanan akoWalang problema pero nagkaproblema ng iwanan mo ako
Noong iwan mo ako wala kang narinig mula sa labi koNi hindi mo narinig ang hikbi ng pigil ng pag- iyak ko
Hindi mo rin nakita ang sabay sabay na pag- agos ng luha ko
Dahil gusto ko ipakita na malakas akoNawala na ang masayang ikaw at ako
Napalitan na ng nagpipighating ako
pero masayang ikawAko ay nagdurusa pero ikaw ay masaya
Ako ay minamahal ka pero ikaw ay nagmamahal na ng iba
Ako ay pinipilit magsimula pero ikaw ay nagsimula naAko na patuloy na nasasaktan dahil sa sakit na iyong binigay
Alam ko walang tayo pero gusto ko malaman mo, na nasasaktan akoSa pagpaparamdam mo sa akin na mahalaga ako
Gusto kong malaman mong nasasaktan akoKahit sa isang tula maramdaman mo yung sakit ng biglaan mong pag- iwan ng walang sapat na dahilan Salamat sa pagmamahal na panandalian
Salamat sa pananakit na pangmatagalanKahit walang sapat na dahilan ay ako'y iyong iniwan
Hindi ako nagkulang pero pinaramdam mo
na maraming pagkukulangSana ay masaya ka sa piling ng bago mo
Sana ay iparamdam mo sakanya ang pagmamahal na pangmatagalanHihilingin ko ang kasiyahan mo kahit hindi na ako parte nito
Muli, isinulat ko ito para ilabas ang saloobinNa meron ako sa ikaw at ako
Hindi para ibalik ang bagay na natapos na at
Pagkakamaling masaya man pero hindi na mauulit pa.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetrySpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...