Nasan na yung sinabi mo?
Yung pangakong binitawan mo
Na kahit noo'y hindi pa tayo
Ano mang mangyari walang magbabagoNgunit bakit tila'y agad kang nag iba?
Noong sinabi mo ang katagang "mahal kita"
Ako ay nagulat at nagtaka, sapagkat
Ilang buwan pa tayong nagkakakilalaMaaaring totoo ang pagtapat mong pagsinta
Pasensya naman at ako'y nag aalangan pa
Hindi ko lang kasi matantya kung ang
Pag ibig mo'y totoo nga baNgunit maaari naman siguro dba?
Na maghintay ka ng ilang sandali pa
Para mapag isipan ko pa ang desisyon ko sinta
Konting panahon lang sanaPero ano ba iyong pagtapat mo?
Naloloka mo na tuloy ako
Parang feeling ko napaglaruan mo lang ako
Parang feeling ko konti nalang lalagapak na ako.Hindi lang kita nasagot agad sa nararamdaman ko
Sinukuan mo kaagad ako,
Hindi ka na nangungumusta kung okay pa ba ako
Hindi mo na tinatanong kung kumain na ba ako.Sinta, ako ay naninibago sa pag bago mo
Nasanay lang siguro ako sa pag aalala at atensyon mo
Na sa bawat galaw ko ay alam mo
Na sa bawat gabi ay nababasa ko ang goodnight moNakakaiyak lang isipin na baka yung sinasabi mo ay hindi totoo
Dahil kung talagang mahal mo ako
Hindi ka agad susuko
Hindi mo hahayaang mamimiss kita ng ganito.Wag kang mag alala
Hindi na kita guguluhin pa.
Huling mensahe ko ay nabasa mo na
Pag reply man lang ay di ka nag abalaSa pagbitaw moy lilimutin na kita
Lilimutin? Hindi, Malilimutan.
Hindi ko pipiliting kalimutan ka
Mas magmumukha lang akong tangaNakakatawa lang isipin diba?
Sakin nagsimula ang usapan
Saking din pala ang katapusan.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetrySpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...