Mali ba?
Ang mahalin ang isang tulad mong
May mahal nang iba
Saan banda?
Ituro mo nga sa'kin nang matauhan na
Kahit 'wag na pala wala din namang k'wenta
Dahil sa puso ko ika'y nag-iisa
KAHIT NA ALAM KONG SA PUSO MO
SIYA LANG TALAGAKakalimutan na ba?
'Yong kahapong kasama ka
Kahit na gawa-gawa ko lang 'yong tayong 'dalwa
Kahit ako lang ang may alam na may tayo pala?
Akala ko kasi talaga, akala lang pala
Binigyan ko nang dahilan mga tingin ng 'yong mga mata
Umasa ang puso sa matatamis na salita—
MATAMIS NA NGAYO'Y ISANG MAPAIT
NA LANG NA ALAALAHihinto na ba?
Porke't may kayo na
Wala na 'kong karapatang gustuhin ka
Hindi ko kaya
Pwede naman kasi na
Habang mahal mo siya, mamahalin din kita
Hayaan mo lang akong 'ganto, hanggang sa magsawa—MAGSAWANG MAHALIN ANG TULAD MONG NI MINSAN 'DI AKO NAKITAKasalanan ba?
Ang ibigin ka kahit
May siya na
Kahit kapit ka na niya?
Hindi ko makita
Ang sinasabi mong kalimutan ka
Dahil maging ang puso ko nabulag na—
NABULAG NA SA KAKA-ASANG TAYO'Y MAGING ISAMali ba?
Kakalimutan na ba?
Hihinto na ba?
Kasalanan ba?
Hindi
Kailan ba naging mali ang magmahal?
Hindi naman kita sa kanya aagawin
Hindi naman kita sa kanya gagapangin
Hindi naman kita guguluhin
Mamahalin lang kita ng palihim.
Hindi
'Ko pa kayang kalimutan ka
Hanggat ikaw pa
Hanggat wala pang iba sa puso ko
Kahit may minamahal ka na
Kahit mayroon nang laman ang puso mo
Mamahalin pa rin kita.
Hindi naman kasi mahalaga
Malaman mo itong nadarama
Siguro nga ito ang inukit ng tadhana
ANG TINGNAN KA LANG NA NAKANGITI KASAMA SIYA.Sa pamamahal kasi, hindi naman 'matik' na
Kung mahal mo siya
Dapat mahal ka din niya
Kung gusto mo siya
Dapat gusto ka din niya
Maling taktika, tadhana na ang tawag
Kung ang nilalandi mo ay walang nilalanding iba
Kung ang crush mo ay crush ka
Kung ang gusto mo ay gusto ka
Kung ang mahal mo ay mahal ka.
Kaya hihinto lang ako, kung kaya ko na
Tingnan ang larawan mo nang 'di lumuluha
Hihinto lang ako kung masaya na talaga
'Yung totoong saya, 'yung totoong tawa
'Yung hindi peke, 'yung hindi kunwari.
Alam kong mangyayari 'yonSa ngayon, magpapakabulag muna
Magpapakatanga
Magpaparaya
Hanggang dumating na lang ang araw na
Wala na
Tapos na
Malaya na—
MALAYA NA 'KO MAGMAHAL AT HINDI NA IKAW NA-ALALA.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetrySpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...