Sisimulan ko sa katapusan
Noong biglaan sa piling ko'y lumisan.
Nawala ka ng parang bula
At sakin di na nagpakita.Sa paglubog ng buwan at pagsikat ng araw
Iniisip ano pa ba aking pagkukulang.
Sa paglubog ng buwan at pagsikat ng araw
Mga tanong sa isip kung sino ba at kung saan.
Kung saan at ano ang yong dahilan
Mahal sa mga tanong gusto ko ng kasagutan.Sa mahigpit na kapit mahal bat ka bumitaw
Sobrang layo ng pagitan natin di ko na matanaw.
Ating pagmamahalang nabuo
Sa selos biglaang nagunaw.At ngayon tapos na ang kasalukuyan
Susubukan ko naman balikan ating nakaraan.Tatapusin ko sa sinimulan
Hindi naging hadlang ang iba mga dagok lang yan.
Walang unos di lalampasan
Marami mang naninira sa ating daan
Walang makakatalo sa'ting katatagan.
Tayo'y nangako sa isa't-isa
Ikaw at ako lang walang iba.Mahal mo ko't mahal kita
Magsasama tayo sa lungkot at saya.
Noong niligawan kita
Akoy nagbilang ng sampu hanggang isa
Muntik na kong mapaihi dahil sa kaba
At ako'y napaiyak dahil sa taranta.
Sa lugar kung saan tayo nagkakilala
Sa lugar kung saan tayo unang nagkitaAt ngayon tapos na aking tula
Kahit sakit sa puso aking naramdaman
At pagluha saking mata aking nasaksihan
Kaya hanggang dito na lang.SINIMULAN KO SAKATAPUSAN
TINAPOS KO SA SINIMULAN.BINUHAY MO KO SA KASINUNGALINGAN.
PINATAY MO KO SA KATOTOHANAN.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetrySpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...