Heto nanaman ako
Hawak-hawak ang aking panulat at kuwaderno
Magsusulat na namang muli ng isang tula tungkol sa'yo
Alam kong hindi mo naman binabasa ang mga gawa ko
Pero heto pa rin, magsusulat pa rin ako.Alam kong sasabihin ng mga kaibigan ko
"Sayang lang ang tinta"
Hindi mo naman kasi binibigyan ng halaga
"Sayang lang din ang bawat pahina"
Hindi mo naman kasi binibigyan ng pansin
Pero, ewan ko ba
Umiral nanaman sa'kin ang pagiging tanga.Alam kong masaya ka na kasama siya
Ramdam ko 'yon
Ang sakit lang isipin na dati, ako pa
Ngayon, iba na ang nagpapasaya sa'yo, sinta
Alam kong masaya ka na kasama siya
Ramdam ko 'yon.Nako, sandali at kukuha lang ako ng panyo
Bago ko ituloy ang tulang ito
Baka kasi lumuha ako habang nagsusulat
Baka mabasa pa ang pinaghirapan kong isulat.
Ang sakit palang isipin na tapos na ang kwento nating dalawa
Ang mga tulang isinulat ko noon ay unti-unti nang nawawalan ng letra Kasi hindi na ako kumpleto Pero 'wag kang mag-alala
Pipilitin kong tapusin itong tula
Mapuno man ng kalungkutan ang bawat letra
Mapuno man ng sakit ang bawat salita
Mapuno man ng hikbi ang bawat parirala
Pipilitin kong tapusin itong tula.Ang tanga 'di ba?
Susulat ako tapos magdadrama
Pipiliting gumawa ng tula tapos muling luluha
Muling luluha dahil muling maaalala
Ang mga masasayang sandali nating dalawa
Muling maaalala ang mga sandaling kasama pa kita
Pero ngayon, kasama mo na siya
Ngayon, minamahal mo na siya.Huwag kang mag-alala
Huling saknong na ito ng aking tula
Akalain mo 'yun
Napuno man ng luha itong panyo ko
Sa pagsulat ng tulang ito
Ang mahalaga'y natapos ko
Nabuo ko pa rin ito
At hinding-hindi ko sasabihing nasayang lang ang tinta ng bolpen ko
At maging ang mga pahina nitong kuwaderno
Dahil naging parte ka na ng buhay ko
At ituturing kong isang mahalagang yugto
Ang bawat pahina ng dati nating libro
Ang tulang ito'y magpapatunay
Na minsan ay nagkaroon ng tayo
Na minsan ay dumating ka sa buhay ko
Na minsa'y naging masaya tayo
Kahit alam kong ngayon ay masaya ka na rin
Masaya ka na
Masaya ka nang kasama siya.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoesíaSpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...