Kay daming posibilidad
Ng mga daang pwede nating nahakbangan
Pwedeng sa ibang paaralan ka napunta
Pwede ring hindi na ako nagtapos
Pwedeng magkaiba ang mga kurso natin
Pwede ring magkaiba ang sinasampalatayanan nating Diyos
Pwede namang hindi na nagkatinginan ang mata nating dalawa
Pwede ring naduwag na lang ako at nawala noong gustung-gusto na kita.Kaso hindi
Sa kani-kaniyang paghakbang natin
Nagtagpo tayong dalawa.At sa unang pagsasalit-salit pa lang ng ating mga daliri
Sa unang pagpapalitan pa lang ng pawis ng ating mga palad
Alam ko na agad kung hanggang saan kita sasamahan
At kahit saan ka humakbang, ang kamay mo ay hahawakan.Kay daming posibilidad.
Pero na-chambahan pa rin kita.
Sobrang malas ko na lang talaga siguro
Kung sa dulo ay bibitiw ka pa.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetrySpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...