SWP- SIYA

279 2 0
                                    

"Bakit siya pa?" "Sigurado ka ba?"
Mga tanong na naririnig ko araw araw sa aking mga kakilala,
Dahil kung gano kita ka mahal, ito ay hinding hindi nila nakikita.
Basehan ba talaga kung ano ang estado ng ating mga pamilya?
Kung ano man tingin nila?
Oh kung ilang beses tayo mag away at sa anong petsa?
Hindi ba pwedeng mahal lang talaga kita,
At kaya ko tong ipaglaban kahit kanino pa?

"Nababaliw ka na!" "Okay lang, SOMEDAY, may makikilala ka pa namang iba."
Sukmat ng mga taong hindi tayo kayang tanggaping dalawa,
Ang hindi nila makita
Ay kung gano nga ako nababaliw,
Nababaliw sa kanila.
Dahil hindi nila makita kung gano ka walang importansya kung ano mang tingin nila sa relasyon nating dalawa.

Siya ang rason kung bakit buo ang mga umaga,
Mga good morning texts agad ang hanap simula sa pag mulat palang ng mga mata.
At sa gabing tatapos sa mga araw kong kasama siya,
Ang mga kabaliwang nagagawa kasama ang barkada,
Mga ngiti nyang gusto kong laging maala ala
Ang kumukumpleto sa mga araw na di masyadong maganda.

Mahal, madami na tayong nalagpasang problema.
At alam kong mas maraming darating pa,
Pero sayo'y isa lang ang nais kong ipaala ala,
At ito'y kahit ano mang pagdaanan nating dalawa,
Kakayanin at kakayanin ito basta kasama lang kita.

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon