Magmula ng ako'y iyong iwanan,
ang dami ng mga katanungan,
na nabuo sa'king isipan,
mga tanung na nabuo ng "Bakit nga ba",
tatlong salita sa iisang linya,
pero ang sakit-sakit na.Kung bakit nga ba kasi kailangan pa'ng maiwan,
kung pwede naman kitang samahan.
Bakit nga ba ika'y naging makasarili,
dahilan ng siya ngayon ay pinili,
piniling sasamahan palagi sa tabi,
na siyang pupunasan mo ng luha sa pisngi,
na siyang dadamayan sa paghikbi,
na siyang mamahalin mo ng higit pa sa'kin dati.Mahal, ang daya mo!
Bakit nga ba kasi nagkaroon pa ng salitang "kayo",
kung pwede namang manatiling "tayo".
Ang sakit, at ang pait ng aking sinapit,
pero ito si tanga,
patuloy pa rin na kumakapit,
kahit alam ko'ng ika'y gipit,
gipit sa paglalaan ng oras mo para sakin,
na s'yang gusto ko lang ulit danasin,
kahit alam ko'ng masasaktan lang.masasaktan sa katotohanang iba na nga ang laman.
Mahal, bakit nga ba nagkaroon pa ng salita "siya",
kung pwede lang naman na maging "ako" nalang,
ako nalang na siyang tapat sa'yo,
ako na siyang karapat-dapat sa'yo,
ako na siyang nagmamahal parin sa'yo,
ako na siya'ng handa ka'ng tanggapin ulit.pero bakit?
Bakit ba mas gusto mo na siya?
Bakit ba kasi di ako pwedeng maging siya,
pwede namang pilitin nalang natin, di ba?
piliting ayusin ang di na maayos pa,
balikan ang nakaraang nalimot mo na.at buhayin ang pag-iibigang pinatay at ibinaon mo na,
pwede lang naman yun di ba?
Bakit ba kasi di ko matanggap ang katotohanan,
katotohanang wala na nga,at dapat ka ng kalimutan.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PuisiSpoken word is written on a page but performed for an audience. It relies on a heavy use of rhythm, improvisation, rhymes, word play, and slang. ... Some examples of spoken word you might be familiar with are stories, poems, monologues, slam poetry...