CHAPTER 07

57 8 0
                                    

07

__________________________________

Kakapasok ko palang ng pinto nang mapansin kong nandun na si Sky sa upuan niya. Infairness nauna siyang pumasok kesa sa akin. Nabaling din ang tingin niya sa akin pero agad umiwas.

Pumunta na ako sa upuan ko sa pinakalikod.

Nang mag breaktime, kailangan kong pumunta ng library para hanapin yung facts for our activity na ngayon din ipapasa. Lunch time ang deadline kaya hindi na ako nagsayang ng oras.

As usual, sinundo na naman ni Zoe si Sky at iritang-irita na naman yung mukha ni Sky.

"Here's your uniform."

Sabi ni Zoe at iniabot ang paper bag kay Sky.

"The video?"

Inasikaso ni Zoe ang hinahanap ni Sky at ipinakita ito sa kanya.

"Upload it."

Agad na kumunot ang noo ni Zoe sa utos ni Sky.

"What? Are you---"

"Upload it now."

Wala na siyang nagawa kundi sundin ang inuutos sa kanya. Ilang minuto lang ay muli niyng ipinakita ang cellphone at pinanood ito saglit ni Sky

"Trow it away."

Huling sabi nito bqgo umalis.

"What? Why? Nagpakahirap akong kusutin to."

Feeling ko lang medyo nakakainis yun. Yung pinaghirapan mo tas ipapatapon lang.

Ewan ko dyan kay Sky. Bahala sila.

Naglalakad na ako sa hallway nang maalala kong hindi ko pala alam kung nasaan yung library. Intayin ko si Jhay para may kasama ako. Dito naman siya sa hallway na to dumadaan.

Ilang minuto lang ay natanaw ko na syang papunta dito. Kumaway ako para sabihing iniintay ko siya.

"Samahan mo ko."

Agad akong humawak sa braso nito.

"Saan?"

Nagtataka niyang tanong nang maglakad na kami.

"Sa future."

Pagbibiro ko dahil normal na sa aking bumanat ng ganun. Bigla kaming tumigil sa paglalakad.

"Sa library kase."

Sabi ko dahil mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Masanay ka na Jhay. Ikaw ang practisan ko sa mga gagamitin kong banat sa crush ko. Hahahaha.

"Ano bang gagawin mo?"

Tanong niya habang naghahanap ako ng libro.

"May kailangan ako sagutan. Tulungan mo ko. Libre kita pagkatapos."

Pagkasabi ko nun agad din siyang nakihanap nang libro. Aba, nakarinig lang ng libre. Psh.

Nung nahanap na namin, pumunta na kami sa table at tinulungan niya akong sagutan yung mga tanong. Infairness, malaki ang tulong niya. Hahahahahaha.

Napatigil ako sa pagsasagot nang nagpasukan na yung mga iba kong kaklase. Actually mga nasa sampu lang sila and then huling pumasok si Sky na sunod-sunod si Zoe.

Nabaling ang tingin niya sa amin pero agad ding umiwas ng tingin at may nagbigay sa kanya ng libro kaya nakapag-umpisa na itong magsagot. Aist. 5 minutes naming hinahanap yon, tapos sa kanya kakapasok niya lang.

Crazy Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon