27
_____________________________
Half day lang ulit kami ngayon at nabuburyo ako dito sa bahay dahil sa school pa si ate Kyla and tulog ti lola Ami kaya napagdesisyunan kong maglakad-lakad dito sa village ni lola. Di ako masyadong dito noon dahil minsan lang kami nadadalaw dito dahil kadalasan ay sila ang dumadalaw sa bahay.
I put on my rubber shoes that I partnered with my leggings and t-shirt.
Nagsimula na akong maglakad kung saan man ako dalhin ng mga paa ko. Napadpad ako sa park kung saan kami nagkita ni Zach. Madami parin ang mga batang naglalaro dito. They look so happy and innocent, don't care about the world. Siguro ay ganyan din kasaya yung kabataan ko kahit hindi ko na ito masyadong maalala. Naniniwala nalang ako na masaya ako noon.
Lumagpas na ako sa park at muling nadaanan ang mga bahayan. Nagkalat parin ang mga bata at ganun din ang mga teenager at matatandang nakatambay sa kani-kanilang bakuran. May mga taong binabati at nginingitian ako. Ang bait ng mga tao dito.
Tumigil lang muna ako dito sa isang tindahan at bumili ng inumin. Ilang minuto na din kasi akong naglalakad. Napahinto ako sa pag-inom at napatitig sa isang chocolate store sa di kalayuan. Hindi ako palakain dati ng chocolate pero ewan ko bakit kada minuto ay gusto kong kumain ng matamis. You all know na mango ang paborito ko.
I walk towards the store at pumasok don. There a lot of chocolates at tingin palang ay sumasakit na ang tonsil ko. Haha.
"Good afternoon, ma'am."
Bati sa akin ng isang staff at nginitian ko siya bilang pagtugon.
Naglibot-libot na ako at natigil sa paglalakad nang makita ang chocolate lollipop na inabot nung nakaraan ni Zach sa batang nakita naming umiiyak.
Kapag umiyak ba ako, bibigyan niya din ako neto? char.
Nilagpasan ko nalang iyon dahil gusto ko ng dark chocolate dahil sobrang tamis ng mga milk chocolate.
Kumuha na ako ng isang box ng nakita ko at may nakita akong jar ng mango chocolate chips. Parang nagkapuso ang mga mata ko.
I try to reach it but my height doesn't cooperate. Tumingkayad na ako lahat-lahat at halos maging lastikman sa pagstretch ng braso ko pero di ko parin maabot.
Nagulat nalang ako ng may biglang kumuha noon. Dahan-dahan kong sinundan ang braso nito hanggang makarating sa mukha niya. Agad bumilis ang tibok ng puso ko.
"You seem to love chocolates."
He said as he handed me the jar.
"T-thank you."
Utal ko pang sabi dahil di ko expected na magkikita kami dito.
"Hindi ako masyadong mahilig dito pero mahilig kasi ako sa anything mango so that I'm curious about the taste."
Paliwanag ko sa kanya. I look at his outfit and we accidentally matched. Nakawhite t-shirt sya at black sweat shorts. Destiny na ba to? Soulmate ko na ba siya? Hahahaha. Char.
"Ikaw? Anong ginawa mo dito?"
Tanong ko sa kanya dahil wala naman siyang hawak na kahit ano.
"I just want to buy the chocolates I promised with children in the park."
Di ako nainform na kabilang pala siya sa organisayon ng mga nagbibigay pagkain sa mga bata. Char. Haha.
"Do you likes chocolates?"
I asked para may malaman ako tungkol sa kanya.
"Yeah. Pero hindi na ako masyadong kumakain because too much is bad for the health."
BINABASA MO ANG
Crazy Little Love
Teen FictionAmaya has a happy life with incomplete memories and the time she's ready to make it complete, she found not just memories but love. Her crazy little love. Status : Completed Posted on : May 14, 2020 - July 21, 2021