CHAPTER 34

21 2 0
                                    

34

__________________________________________

Halos isang buwan na ang lumipas and I feel confident about myself since that day.

Hindi na nila ako masyadong ginugulo kagaya ng panggugulo nila sa akin nung first days ko dito. Maybe because they know na lalaban na ako anytime that happens.

Zoe approaches me the day after the incident pero hindi ako nagpatinag sa kamilditahan niya. May attitude din ako, lahat tayo may tinatagong attitude, and I can release it whenever I want.

Nandito kami ni Jhay ngayon sa canteen at kumakain ng lunch. Their trainings are udjusted from 1-6 in the afternoom kaya nakakasama ko na sya paglunch palagi.

"Boss, paabot naman ng tissue."

Napaikot ako ng mata ng tawagin na naman niya akong boss. Kinuha ko na yung hinihingi niya sa gilid ko. Bakit kasi ayaw kumuha ng tissue para sa kanya? Psh.

"May schedule na kayo ng laban niyo?"

Tanong ko sa kanya habang kumakain kami.

"Wala pa e. Basta next month na yon. Manonood ka ha?"

Tanong niya sa akin for the nth time.

"Oo nga. Paulit-ulit ka naman e. Syempre papanoorin kita don."

I promise him that. He's my bestfriend, panonoorin ko siya. Gagawa pa ako banner, tignan mo.

"Susuotin ko yung sapatos na gift mo sa akin."

Sabi nito at ngumiti sa akin. Tinapos na namin yung kinakain namin at nagpasya nang bumalik sa room namin.

"Bye, Kylayn. Ingat ka pag-uwi mamaya."

Pagpapaalam nito sa akin dahil hindi ko siya makakasabay dahil nga 1hour ahead and dismiss ng training nila.

Pumasok na ako sa room at hindi pinansin ang mga kaklase ko para dumiretso sa upuan ko.

Pagkalapag ko ng bag ko, naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Hani.

"Amaya, sana makapunta ka."

Nalipat ang tingin ko sa papel na ililapag niya sa lamesa ko or should I say, invitation.

"It's my 19th birthday this Saturday. Sana makapunta ka."

Tinignan kong mabuti ang invitation at binuklat ito. It has a beach vibe.

"Oo sige. Pupunta ako."

Nakangiti kong sabi sa kanya dahil beach is one of my happy place and syempre kaibigan ko siya.

"And give this also to Jhay."

Sabi niya at nag-abot ulit ng isang invitation. Kasama si Jhay? Yiiieee! Lalo akong naexcite!

"Don't forget your bikini."

I saw again her sweet smile after almost a month. Siguro ay nakarecover na siya sa ginawa at pananakot ni Zoe. Tumayo na ako at inilagay ang invitations sa bag ko. Kailangan ko nang magwork-out para mabawasan ang taba ko. Haha.

Nang makauwi ako, agad akong nagbihis at naghanap ng isusuot sa online shop. Lagot na naman ako kay mama neto. Haha. Halos buong gabi akong tumambay sa online shop app. Dalawang haistwaist bikini ang inorder ko. Isang black and isang red. And then umorder din ako ng mga coordinates. Antagal na nung huli kong bili ng bagong damit kaya lulubusin natin ngayon. Sira na naman ang ipon ko nito.

Crazy Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon