13
___________________________
Nakaupo na ako dito at nakatanaw sa labas ng bintana. Pinag-uusapan pa rin ako dito sa room kaya ayoko nang makita pa sila kaya tumanaw nalang ako sa malayo.
Kailan ba magiging normal at masaya ang araw ko dito sa university? :<
Nabaling ang tingin ko dito sa nasa labas lang ng bintana ng room namin. Si Vince ba yon? At--- Omo! Yung crush ko!
O____O
Magkakilala sila? O___O
Sinudan ko ng tingin yung crush ko at nakita kong nagpaalam na sila sa isa't-isa. Ito na ba ang pagkakataon para malaman ng pangalan niya?
Inintay kong makapasok sa room si Vince.
"Psst! Vince."
Pagtawag ko dito ng mahina lang. Narinig naman niya ako at lumapit sa akin.
"Bakit, Sky's girl?"
Aist! Bakit ba ganyan tawag niya sa akin?
"Anong pangalan nung kasama mo kanina?"
Mahina ko lng na tanong dahil baka may makarig at ma-issue pang ang landi ko, may boyfriend na tas nagtatanong pa ng pangalan ng ibang lalake.
"Sino?"
"Yung kasama mo kanina bago pumasok dito. Yung cute na matangkad na maputi."
Wala naman siyang ibang kasama bago pumasok dito e.
"Ako ata ang tinutukoy mo?"
Psh! Utot nya, tinutukoy.
"Tangek! Yung kasama nga e."
Inikutan ko nalang ito ng mata.
"Si Zach."
Zach. ^-^
Ang pogi naman nung pangalan, parang yung may ari nun. ^-^
"Anong meron sa kanya?"
"Magkaibigan ba kayo?"
Tanong ko pa habang nakatingin ka Zach habang lumalakad ito palayo.
"Ahh.. Hindi. Naging classmate ko lang siya nung grade 6 ako. Nagkausap lang kami kanina."
Sagot niya naman. Ahhh... Ok.
"Crush mo?"
Napalingon ako bigla sa kanya at nag 'shh' effect habang sumisimpleng tingin sa mga kaklase namin. Kapag siya narinig, sasapakin ko siya.
Alam naman niya na nagapanggap kami kaya ok lang na malaman niya. Wag lang siyang maingay dyan dahil mapapahamak din kaibigan niya kapag nalaman ni Zoe na nagpapanggap lang kami.
"Sige na, bumalik ka na sa upuan mo. Salamat."
Well, kahit naman fake boyfriend ko si Sky, may karapatan naman akong magkagusto sa iba. Sa nakaka-stress kong unang mga linggo dito sa university, kapag nakikita ko siya, gumaganda pakiramdam ko. Pwera nalang nung naitulak ako ni Sky sa canteen. Chance ko na pa namang mahawakan ang kamay nya non pero nakakahiya dahil ang dumi ko non. Hmp! Sayang.
Nakita ko nang bumalik si Sky at papunta na siya dito sa upuan sa tabi ko.
"Saan ka nagpunta?"
Tanong ko dahil hindi naman niya sinabi kung saan siya pupunta kanina.
"Bakit gusto mong malaman?"
BINABASA MO ANG
Crazy Little Love
Novela JuvenilAmaya has a happy life with incomplete memories and the time she's ready to make it complete, she found not just memories but love. Her crazy little love. Status : Completed Posted on : May 14, 2020 - July 21, 2021