CHAPTER 52

13 2 0
                                    

52

___________________________________________

"HAPPY NEW YEAR!"

We shouted nang matapos count down namin. Hindi naman sa desperada akong tumangkad pero tumalon pa rin ako dahil malay mo totoo nga.

"Where's your mask?"

Kunot noong tanong sa akin ni kuya.

"Oh, I forgot."

Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ang mask ko dahil mausok sa labas. Madaming fireworks at nagpapaputok.

Pagpababa ko at binigyan na ako ni kuya ng isang lusis dahil yon lang ang kaya kong gawin. Takot naman ako sa mga kung ano pang paputok.

"Happy New Year, Papa!"

I greeted my dad on my cellphone na kavideocall ko ngayon.

"Happy New Year, my princess."

He greeted me back at mukhang nagkakasiyahan na din sila don. I ask mom to join our video call para mai-end ko na yung akin dahil ivi-video call ko sila Hani.

"Happy New Year, Hani!"

I greeted nang magjoin siya sa group call. Yung apat ay hindi pa nagjo-join.

"Oy! Wala akong signal!"

Sigaw ni Jhay na paputol-putol ang cam pero mukhang naghanap naman siya ng pwestong malakas ang signal kaya umayos din ito.

Sumunod nang nagjoin si Vince na nasa labas din ng bahay nila.

Sumunod naman si Zoe at sumilip na rin dun si Zach kaya nagbatian nalang kami. Si Sky, hindi pa nagjo-join.

"Si Sky?"

Tanong ko sa kanila habang hawak pa rin ang panibagong lusis.

"Ewan ko. Hindi online e."

Sagot ni Vince. Medyo nagtatampo na nga ako dun dahil hindi siya nagrereply sa mga chat ko. Simula nung ipinakilala niya si Zach bilang si kuya little boy, hindi na ulit kami nagkita at nagkausap.

"Oy, Kylayn. Tumalon ka na ba?"

Napairap ako nang magtanong si Jhay.

"Of course. Duh!"

Confident kong sagot.

"Ikaw Zoe?"

Nakita ko namang nagtaas ng kilay si Zoe nang tanungin siya ni Jhay.

"What do you mean? I'm not maliit noh! Mas matangkad ka lang."

She answered and rolled her eyes. Natawa nalang ako dahil yan nanaman sila. Kahit sa group chat namin ay nag-aaway yang dalawang yan.

"Oy nandyan pala si Zach. Happy new year, Zach!"

Naging FC na naman tong si Jhay kaya napasapo ako sa noo ko. Hindi ko ba alam dyan.

"Happy new year."

Zach greeted him back at ngumiti sa camera. Napangiti na lang din ako dahil ang gwapo niya talaga. Hehe.

"Lapit na Birthday Vince ah!"

Sabi ko pa dahil January 6 ang birthday niya. 5 days nalang.

"Malayo pa yon."

Ang sabi niya, mags-swimming lang daw kaming magkakaibigan dahil ayaw niya ng madaming bisita.

Nagkwentuhan lang kami saglit bago namin i-end ang call. Pumasok na rin kami ng bahay para kumain.

Crazy Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon