22
______________________
Kinabukasan, Sky said na may pupuntahan siya kaya hindi siya makakasabay sa amin maglunch. Naisipan ko ding sunduin si Jhay sa room niya dahil ang tagal na nung huli kong kita sa kanya. Hindi ko alam kung buhay pa yon. Char.
"Hoy, Vince. Huwag mong iiwan si Hani. Sasapakin talaga kita."
Bilin ko kay Vince bago ko lumabas dahil nauna na si Sky. Inirapan pa ako ni Vince bago siya pumayag.
"Uhmmm. Hani. Kayo na muna si Vince ang magkasama. May pupuntahan lang ako. Enjoy eating. Susunod ako dun."
Pagpapaalam ko sa kanya at nakangiti naman siyang nagwave sa akin. Ayus-ayusin mo mga kilos mong Vince ka.
Naglakad na ako papuntang classroom ni Jhay dahil kakarecess time lang naman. Naabutan ko siyang kakalabas lang ng pinto.
"Jhay!"
Sigaw ko at kinawayan siya. Agad namang may napintang ngiti sa mga labi nito.
"Amaya~"
Pagtawag niya sa pangalan ko at nakipag-apir pa.
"Ngayon nalang ulit kita nakita, ano bang mga pinagkakaabalahan mo?"
Inayos niya ang sakbat ng bag niya bago kami maglakad.
"Uhmm-- Masyado lang busy. Ikaw? Huling kita ko sayo nung sinabi mong---"
Hindi na nya tinuloy yung sinasabi niya dahil tinignan ko na ito ng masama.
"Bakit di mo kasama 'BOYFRIEND' mo?"
He asked tapos may gesture ng quotation marks sa hangin. I rolled my eyes bago sumagot.
"Wala. May pupuntahan daw kaya naisipan kong puntahan ka din. May ichichika ko sa 'yo."
Sabi ko at lumapad naman ang mga ngiti nitong lalaking ito. Hahaha. Iniisip ko talaga minsan na bakla tong lalakeng to dahil medyo chismoso. >.<
Nakabili na kami ng pagkain at nagwave ako sa table nila Hani bago kami umalis ng canteen para sa peaceful place ko kami kumain. Baka mamaya may makarinig pa ng pagkukwentuhan namin e.
"Ano nang te?"
Tanong kaagad ni Jhay pagkaupo namin.
"Alam ko na pangalan ng crush ko!"
Sabi ko at binato na naman siya ng tissue. Kinuha ko din dahil baka hanginin.
"Anong pangalan?"
Casual niyang tanong habang iniaayos yung pagkain niya.
"Zach Egan."
Napatingin siya sa akin na para bang gulat na gulat.
"Yung songer na sikat?"
Songer? Ano bang sinasabi nito?
"Songer? Ano ba! TAPOS FRIENDS NA KAMI!!!!"
Sigaw ko at pinaghahampas siya sa braso. Wala namang tao dito kaya ok lang mag-ingay.
"Speed ka ah."
BINABASA MO ANG
Crazy Little Love
Teen FictionAmaya has a happy life with incomplete memories and the time she's ready to make it complete, she found not just memories but love. Her crazy little love. Status : Completed Posted on : May 14, 2020 - July 21, 2021