CHAPTER 58

15 2 0
                                    

58

____________________________________________

It's our second year as senior high school. Last year of being a high school student.

Kaklase ko pa rin halos lahat ng kaklase ko nung Grade 12. And of course, classmate ko pa din sina Hani at Vince.

My school days are like normal student days. Ganto yung normal na hinihiling kong sana ay naranasan ko nung unang mga araw ko dito sa Riona University. But I'm not happy with these normal days. Sabi nga nila, normal is boring. Mas gugustuhin ko nalang yung kagaya nung dati kahit magulo.

"Hey, let's go."

Hani catches my attention with a snap in the air in front of my face. Hindi ko namalayang umalis na pala yung teacher namin.

Hindi na ako nagsalita at kinuha na lang ang bag ko at pumunta na kaming tatlo sa canteen.

Maya-maya ay nakita na naman sina Zoe at Jhay na papunta sa pwesto namin.

"Nag-order na kayo?"

Zoe asked us pero hindi ko feel sumagot kaya si Hani na ang nagsalita.

"Not yet. Inintay na muna namin kayo."

She answered and the boys decided na sila nalang ang bumili kaya naiwan na kaming tatlo dito sa table.

Tahimik lang kaming tatlo at ako ay nakatingin lang sa malayo.

"Taylor."

Zoe called me so I looked at her. I saw her handling me an envelope that looks aesthetic. It has a color of pastel violet and blue. May detailed color coded pictures and design din ito na mas nagpaganda sa kabuuan.

Inilipat ko sa kanya ang tingin ko at iniintay na sabihin niya kung ano yun.

"It's an invitation, ano ka ba?"

Sabi nito at parang nawierduhan sa ginawa ko.

"Ow. Sorry."

Sabi ko at kinuha ang envelope. Pagkabukas ko nito ay kita na kaagad na sobrang elegant but aesthetic ng event na magaganap.

Nang basahin sng nakasulat, npataas ang kilay ko at hindi alam na magbibirthday na pala sila sa Friday, kung hindi ko pa mabasa ang invitation.

"Pupunta ka ha? Siguro naman ay hindi na masakit ang katawan mo nyan."

Zoe added to the conversation and naalala yung alibi ko nung nagyaya silang umattend ng isang mini concert. Hindi ako sumama kasi totoo ngang ang bigat ng katawan ko at ayoko namang maging fifth wheel no.

"Ako lang invited?"

Tanong ko dahil hindi niya binigyan si Hani.

"Baliw. Nabigyan ko na si Jhay Gabriel then pinabigay ko nalang kay Hani yung kay Vince. At si Hani, hindi na kailangan ng invitation niyan."

Nabaliw pa nga. Kunsabagay, their dads are cousins and both well-known in business industry.

After naming kumain, napagdesisyunan na naming bumalik sa room.

In the middle of our errand, may dalawang babaeng sumalubong sa amin at mukhang junior high school palang dahil sa uniform nila.

"Uhmm.. Excuse me."

Sabi nila kaya napatigil ako ng lakad dahil sa akin sila nakatingin. Napatingin din ako saglit kina Zoe na tumigil din.

"Hmm?"

Crazy Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon