CHAPTER 14

35 6 0
                                    

14

_____________________________

Nakarating na kami dito sa University at nakababa na ako ng kotse. Hoping for better than tomorrow. :>

Nag-umpisa na kaming maglakad papuntang hallway.

"Hold my hand."

Napalingon ako sa kanya at nakita ang nakalahad niyang palad.

"Just hold it."

He said and look into my eyes. His eyes never fail to attract me. Kung may pinaka paborito man ako sa kanya, yung mata nya yon.

Hinawakan ko na yung kamay nya at nagsimula na kaming maglakad. At first, nakatingin lang ako sa kamay namin pero I try to lift up my head a bit at tinignan ang paligid. I saw them staring at us pero hindi na ako ganun nahihiya or anything. Ganun ba ka-powerful ang kamay ni Sky?

Nakarating na kami ng room nang hindi ako nakatungo pero hindi pa ganun ka-komportable.

Dumating na yung teacher namin at nag-umpisa na ang klase.

Naririnig ko na ang pagkulo ng tiyan ko dahil overtime na yung teacher namin ng 10 minutes. Kanina ko pa narinig yung bell.

"Nagugutom na ako. I can now eat a kilo of spaghetti."

I whispered. Nagugutom na talaga ako.

"Is that even possible? You're too small. Saan yun pupunta sa katawan mo?"

Ano? Minamaliit niya ba ako?

"Kasya yun sa tiyan ko. Maliit man ako, kayang kayang kong kumain ng madami."

Sagot ko sa kanya dahil ayokong minamaliit ako kase maliit na nga, minamaliit pa. Ang sakit na nun masyado.

Tinignan niya lang ako at parang hindi parin naniniwala. Aba.

"Gusto mo magcontest pa tayo mamaya pabilisan makakain ng sandwich e."

Hamon ko naman sa kanya dahil nagugutom talaga ako at wala namang spaghetti sa canteen. University no, pero walang spaghetti. Hahaha. Char.

"Sige."

Aba. Challenge accepted ka ah. Ok. Hindi mo ako matatalo ngayon dahil gutom na gutom ako.

"Ok, class dismiss."

Hay salamat. Kinuha ko na yung bag ko at nagpunta na kaming tatlo sa canteen.

"Orderin mo kung ano yung order ko.."

Sabi ko sa kanya na nasa likod ko.

"Five sandwich po and one bottled water."

Sabi ko at naglakad na papuntang counter at nagbayad.

"Tara, sa iba tayo kumain."

Yaya ko s kanilang dalawa dahil nakakahiya naman kung dito kami sa canteen pagpapaligsahan. Hahahaha.

Dinala ko sila dito sa peaceful place ko. As usual, konti lang ang tao at umalis din ito agad.

"Game."

Sabi ko at umupo na.

"Teka, bakit andami niyong pagkain?"

Tanong na ni Vince habang hawak ang burger niya at orange juice sa magkabilang kamay.

"Basta maglalaro kami."

"Penge ako."

Agad kong hinampas ang kamay nya nang magtangka itong kumuha ng isang sandwich.

Crazy Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon