CHAPTER 33

27 2 0
                                    

33

___________________________________________

It's a sunny Sunday at ang aga kong nagising. It's only 6:30 and wala akong agenda ngayong araw. Gusto kong maggala ko kaso hindi ko alam kung saan. Kakapunta ko lang ng mall kahapon kaya ayoko namang pumunta ulit don.

Iniisip ko kung magwalking ako ngayon dito sa village or what.

Habang nagliligpit ako ng higaan nakaisip ako ng pwede kong gawin at puntahan.

Agad na akong nagshower at nagsuot ng bicycle shorts at white t-shirt.

"Ma, Kuya. Mag bike lang po ako. Dun na po ako kakain."

Pagpapalaam ko sa kanila at hindi ko na narinig yung sinabi nila dahil tumakba na ako papuntang garahe para kunin ang bike ko. I put on first my gears and helmet. Pagkatapos ay nagsimula na akong magpedal. I stop at the near convenience store to buy my breakfast and some snacks.

Akay-akay ko na ang bike ko paakyat dito dahil matarik ang daan. Nang makalagpas ako ng school. Ilang minuto nalang ay makakarating na ako don.

Nang matanaw ko na wooden bench don, binilisan ko na ang paghakbang at nakangiting pumunta sa unahan nito pero agad naglaho ang mga ngiti ko nang makitang ang dumi nito.

Kailan ba huling pumunta dito sa Sky? Hindi man lang linisin. Hmp!

Ako nalang ang naglinis ng bench at ng paligid gamit ang mga dahon-dahon na nakuha ko. Nang malinis ko iyon ay agad na akong kumain. I can even indian seat here sa bench dahil malaki-laki nga ito.

Nang matapos akong kumain ay uminom na ako ng tubig. Napahugot ng ako ng malalim na paghinga habang pinagmamasdan ang nasa unahan ko ngayon.

Kailan kaya magiging ganto kaklamado ang bawat araw ko sa university? Yung walang cctv, speakers, judge, martial law. I have freedom to let all my thoughts and feelings come out without any hesitation sa sasabihin ng ibang tao.

Naaagaw ang atensyon ko sa dandelalion sa di kalayuan. Naalala ko pa yung nagwish kami ni Sky na halos napunta sa bibig ko yung kalahating seed ng buong dandelion.

Tumayo ako para kumuha ng isa. May malapit-lapit naman. Pilit kong inabot yun ng kamay ko. Akala ko malapit, malayo pala. I take another step para maabot iyon pero nung nahawakan ko na ang tangkay nito, nadulas ang paa ko.

My heart skips a beat dahil nasa bangin ako ngayon, ayoko pang mamatay.

I try to move my feet pero mas lalong dumulas yon.

AAAAAHHHHHH!

Napapikit nalang ako sa takot at hinihintay nalang ang pagbagsak ko pero nagulat ako sa biglang humila sa kamay ko.

Hindi ko parin naimumulat ang mga mata ko at alam kong nakadapa ako ngayon pero may naramdaman akong tumitibok sa bangang dibdib ko. It's not my heart, its beats are fighting mine.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at agad kong nasilayan ang matang paborito kong titignan.

"Sky!"

Gulat kong pagtawag sa kanya at mabilis na tumayo at inayos ang sarili.

"What are you doing near the cliff?"

He sounds mad.

"Ahhh. Kumuha lang ako nito."

Sabi ko at ipinakita ang dandelalion na hawak ko.

"What if I'm not here? Who will pull your hand? Are you thinking, Amaya!?"

Napaatras ako ng tanungin na ako ng sunod-sunod at halata na ang galit sa mata at boses nito.

Crazy Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon