26
________________________________
"Amaya! Amaya! Gising! 11 na!"
Sumakit yung ulo ko nang may marinig akong sigaw at yumuyugyog sa akin. Si ate Kyla.
"Ate, anu ba? Ang ingay mo po."
Reklamo ko at nagtalukbong ng kumot.
"Gaga ka! Alas otso na!"
Alas otso palang naman, maaga---- Shet! ANO!?
Agad akong napabalikawas ng bangon at tumuloy ng cr ditosa kwarto ni ate Kyla. Dito kasi ako natulog dahil walang extrang kwarto dito. Kwarto na ni tita at tito yung kabila at kay lola naman yung isa.
Pagkatapos kong magtoothbrush ay nagbihis na ako ng uniform ko. Wag na maligo, babaho din naman.
"Alis na po ako."
Paalam ko kay ate Kyla kumaripas na nang labas ng pinto at napatigil ako nang icheck ko sa phone ko ang oras.
Pinigil ko ang inis at huminga nalang ng malalim. Pagkabalik ko sa kwarto ay humagalpak na sa kakatawa si ate Kyla. Jusko, ala-singko palang! Sabi ko gisingin niya ako ng 6:30 AM! >.<
"Ate naman eh!"
Naghiga muli ng kama at nagtalukbong ng kumot.
"Alis na ako. Hahahaha!"
Paalam nya ang tinapik ang pwetan ko. Napagtripan ako sa unang gabi ko dito.
"Ok po. Ingat."
Sabi ko nalang habang nakatalukbong parin. Inaantok pa ako e. >.<
Umidlip lang ako saglit at nagising din ako ng ala sais. Bumangon na ako at iniligpit ng higaan. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakahanda na ang almusal.
"Magandang umaga po , lola at tita."
Bati ko sa kanilang dalawa at mukhang pumasok na si tito. Umupo na ako sa tabi nila at sumabay sa pagkain.
Pagkatapos naman kumain ay umalis na rin si tita Althea para pumasok sa trabaho at nandito kami ngayon ni lola sa hardin niya at nagdidilig.
"Nakita ko apo yung magandang lalakeng naghatid sayo dito. Manliligaw mo ba iyon?"
Nalingon ako kay lola nang itanong niya iyon.
"Ah, Eh, hindi po. Kaibigan ko lang po."
Sagot mo. Hindi pa po sa ngayon. Ay char. Hahahahaha.
"Hmm. Ok sige."
Sabi lang ni lola pero may mukhang mapang-asar. Hay nako lola, sana nga po manliligaw. >.<
Pagkatapos namin magdilig, nag-asikaso na ako para pumasok. Nag-amoy bagong gising tuloy yung uniform ko dahil nasuot ko ng wala sa oras.
"Alis na po ako, lola."
Pagpapaalam ko at hinalikan siya sa pisngi. Pagkalabas ko ng gate ay biglang nag-vibrate ang cellphone ko.
From +63906******* :
"Wait me there. I'll pick you up."
Napakunot ang noo ko kung sino ba ito. Ang agad pumasok sa isip ko ay si Sky dahil siya lang naman ang laging sumusundo sa akin. Ang pinagtataka ko ay, saan niya nakuha ang cellphone number ko? Ni hindi ko nga iyon ibinigay sa kanya. Sa messenger lang kami nag-uusap.
Lumipas ang ilang minuto ay tumigil ang isang army green na kotse sa harapan ko.
"What are you doing here?"
BINABASA MO ANG
Crazy Little Love
Teen FictionAmaya has a happy life with incomplete memories and the time she's ready to make it complete, she found not just memories but love. Her crazy little love. Status : Completed Posted on : May 14, 2020 - July 21, 2021