CHAPTER 21

52 3 0
                                    

21

______________________

Naramdaman ko ang pagtama ng araw sa mukha ko kaya dahan-dahan na akong dumilat. Tinignan ko ang oras, 9:30 AM na.

Mabuti naman at hindi nagkakalampag ang kuya ko sa pinto ko kaya hindi naabala ang tulog ko. Bumangon ako at agad kinuha yung cellphone ko.

Medyo uamasa ako pero hindi man lang nag-good morning sa kin! Nakakainis naman!

Well, asa naman ako. Bakit naman soya mag-gu-good morning sa akin? Hmp.

Nagpunta na ako sa c.r. ko at naghilamos lang at toothbrush. Mamaya na ako maliligo.

Pagkatapos ko ay bumaba na ako sa kusina at nakitang nasa mini garden si mama at nagbabasa ng magazine. Nagtimpla nalang ako ng gatas at pinuntahan siya don.

"Good morning, ma."

Bati ko sa kanya at ipinatong yung gatas ko sa lamesangnasa harapan namin.

"Nanood ka na naman kagabi no? Late na ang gising mo."

Sabi niya sa akin habang sa binabasa parin nakatuon ang pansin. Nangiti nalang ako dahil kabisadong-kabisado na ako ni mama.

"Ano na namang pinagkakain mo? Kapag nilagnat ka na naman sa dami ng junkfoods na kinain mo."

Napainom nalang ko sa gatas ko dahil alam din ni mama na lumalamon ako ng kung anu-ano kapag nanonood ako. Yung sa sinabi niyang nilalagnat ako pag nasobrahan sa junkfoods, meron kasi akong Urinary Tract Infection dahil syempre sa mga pinagkakakain ko. I always drink lots of water naman pagkakain.

Napaisip ako kagabi na hindi ako nakainom ng tubig dahil hindi ako nakapagdala sa kwarto ko. Hay~ magdadasal nalang ako.

"Nga pala, I have business trip tommorow until next week. Nasabi ko na rin yun sa kuya mo."

Napalingon naman ako kay mama.

"Isang linggo ka pong wala?"

Nalulungkot kong tanong dahil syempre wala na naman akong kasama pero ok lang dahil para narin maging independent ako.

"Yes. Kaya magbait kayo ng kuya mo."

Hmm. Mabait naman po ako e. Si kuya lang hindi.

"Nasan nga po pala si kuya?"

Tanong ko kay mama dahil hindi ko pa naririnig ang boses niya.

"Tulog pa."

Huh? Tulog pa? Kaya pala hindi nagkakalampag sa pinto ko.

"I check him last night, may tinatapos siyang project niya sa school."

Hmmm. Ganun? Mukhang strees na ang kuya ko. Totoo nga yung sinabi niyang magsisipag na siya sa college life niya. Talagang nakakastress yun dahil graduating na siya.

"Ang sabi ko nga ay magstay na sa condo niya, tatapusin lang daw muna iyon."

Naubos ko na yung gatas ko kaya ipinatong ko na yun sa sink. Nagpunta na ako sa sala at binuksan ang TV. Pagkabukas ko, narinig ko at pagbukas ng pinto sa kwarto ng kuya. Tiningala ko naman sya.

"Good morning."

Bati ko at mukhang inaantok pa ito. Tumingin lang siya sa akin at pumunta nang kusina at umupo sa breakfast table tsaka tumungo. Ano? Tutulog ka ulit dyan? Hahahaha.

Pumunta na ako dun para ipagtimpla siya ng gatas at ipaghanda siya ng ham sandwich dahil may nakita akong ham sa lamesa namin.

"Oh-- Almusal mo."

Crazy Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon