CHAPTER 38

21 2 0
                                    

38

__________________________________________

From Mother Earth:
"Anak, si lola mo. Nak, wala na sya. Nandito kami sa ospital. Mag iingat ka."

Napatakip ako ng bibig sa nabasa. Hindi. Hindi pwede.

Nagsimula na ring manlabo yung paningin ko nang may mga luhang nag-ipunan sa mga mata ko.

Papaiyak akong lumapit sa table namin para kunin ang bag ko.

"Guys, I-I have to g-go.... emergency."

Paputol-putol kong pagpapalam sa kanila dahil nanginginig ang buong katawan ko.

Pagkakuha ko ng bag ko at biglang tumayo si Sky at hinawakan ang braso ko.

"Saan ka pupunta? Hatid na kita."

Mabilis na sabi nito pagkahawak sa akin at hindi ko na siya maaninag dahil sa luha kong nagsimula nang mag-agusan.

I try to control my emotions.

"I'm g-going to the.... hospital... It's lola Ami."

I can't see his face clearly but I know he's shock because of what I said.

Mabilis na niyang kinuha ang gamit niya at naglakad. Sumunod na din ako dito kahit nanginginig pa ang mga tuhod ko.

'Lola Ami, padating na po ako. Papunta na ako, lola.'

Sabi ko sa isip ako at kinausap ang lola ko.

Hindi naman nagtagal nakarating na kami sa ospital, pagkatigil ni Sky ay agad na akong tumabakbo papunta sa loob.

Pakaliko ko ay nakita ko na nandun si mama, at kuya.

Tumakbo na ako papunta sa kanila at niyakap na ako ni mama na naging dahilan ng lalong pagbilis ng agos ng mga luha ko.

Natatanaw ko pa muli dito ang labi ni lola Ami. Hindi. Hindi maari. :'<

Bumitaw ako kay mama at pumasok sa silid kung nasaan ang lola ko.

"L-Lola~"

Nanginginig kong pagtawag sa kanya pagpasok ko palang. Mas naiyak pa ako nang makita ang itsura niyang maputla ang buong katawan at hindi na gumagalaw.

Buong tapang akong lumapit sa kanya.

"Lola, nandito na ang maganda mong apo."

Napatakip ako ng bibig at di makapaniwala sa nakikita ko. Her eyes are closed and her lips, her whole body is so pale.

"Lola, gising ka na po."

Paggising ko sa kanya na para bang mangyayari pa. I hold her hand but she doesn't hold back like she always do.

Patuloy lang ang pag-agos ng luha ko at pagsakit ng dibdib ko kada tinatawag ko siya pero hindi na siya gumagalaw.

"La! Gising na!"

I-try to tap her arm but still, no response.

My heart broke into pieces. I can't nearly feel them beating. Ang sakit.

"Lola naman e."

Bakit naman ganto? Nagkita pa tayo nung nakaraan sa bahay mo e. Nagkukwentuhan pa tayo. Iintayin mo pa yung apo mo sa tuhod kay kuya Xander. Lola! Wake up, please!

Crazy Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon