37
_________________________________________
Mabilis na lumipas ang mga araw at laban na ng best friend ko! Yeeeeey!
Nasa basketball court na lahat ng kaklase ko pero ako ay nandito pa rin sa classroom. Ire-re-touch ko pa yung banner na ginawa ko para ka Jhay. Jusko, napuyat ako dito kagabi dahil sa dami ng gawain namin kaya kagabi ko lang to nahapit.
Pagkalaki-laking,
'GO EastEagle!
GO JHAY GABRIEL!'Ang inilagay ko sa isang buong cartolina at nilagyan pa ng design sa paligid. Dito gaganapin sa school namin ang laban kaya mas lamang ang magiging audience namin.
"Amaya!"
Lumingon ako sa labas ng pinto namin. Si Hani na nakajeans and navy blue shirt na kulay ng school basketball team namin. Ganun din ang suot ko at kinuha ko na ang gamit ko bago siya puntahan.
"Tara."
Naglakad na kami ng mabilis papuntang court. Pagkapasok ko palang, agad nang sumampal sa aking ang ingay ng mga audience. Para akong nasa arena sa sobrang dami ng tao at sobrang ingay.
"Tara dun tayo sa unahan."
Aya ko kay Hani at dun kami pumwesto sa bandang baba para mapansin ni Jhay tong banner ko. Sasakalin ko sya kapag hindi niya to nakita.
Nung nakapunta na kami sa pwesto ay agad nang nag-umpisa ang pagpasok ng mga players.
"Please make some noise for the Net Rippers!"
Sigaw ng MC pagpapakilala sa kalaban ng school namin. Hindi na muna ako sumigaw dahil iniipon ko ang boses ko para mamaya.
Nang matapos ipakilala ang players nila, inihanda ko na ang banner ko.
"And of course, make some noise for East Eagles!"
One, two, three... SIGAW!
"WHOOOOOOOO! YEEEEEEAAAAAHHHHH!"
Buong lakas kong hiyaw at iniwagayway ang banner ko. Dumadagundong ang buong sulok ng court dahil sa dami ng cheerer.
"WHOOOO! FAFA JHAY! GALINGAN MO PO!"
Sigaw ko pa. Wala akong pake sa paligid, basta iche-cheer ko kaibigan ko.
Inintay kong sabihin ang pangalan ni Jhay bago ulit akong sumigaw.
"Jhay Gabriel Dixon!"
"WHOOOO! YEAH! BEST FRIEND KO YAN!"
Halos matanggal na ang voice box ko sa sobrang lakas ng sigaw ko. Kagaya ng promise niya sa akin, suot niya yung sapatos na regalo ko nung birthday niya.
"JHAY GABRIIIIEEELLL NOTICE ME!"
Putek, yung baga ko. Nagtagumpay naman ako na makuha ang atensyon niya. Lumingon siya sa direksyon ko at nang magtama ang mga mata namin ay nginitian niya ako. Ipinakita ko ang banner na ginawa ko at nag make face siya nang mabasa ito dahil ang kabilin-bilinan niya ay 'wag daw ilagay ang Gabriel. Eh masunurin ako kaya nilagay ko.
"Vincent Davidson."
"WHOOO! KAIBIGAN KO DIN YAN!"
Sigaw ko pa at tinignan si Hani sa gilid ko na nakangiting nakatingin kay Vince. Ewan ko ba kung anong update sa relastionship nila pero I hope maganda ito.
BINABASA MO ANG
Crazy Little Love
Teen FictionAmaya has a happy life with incomplete memories and the time she's ready to make it complete, she found not just memories but love. Her crazy little love. Status : Completed Posted on : May 14, 2020 - July 21, 2021