59
___________________________________________
"Ang bilis ng panahon. Gagraduate na tayo next month."
Jhay said in the middle of our lunch.
Nandito kami ngayon sa canteen dahil lunch na namin. Tama nga sya, Graduation na namin next month. Parang kailan lang nagkandaligaw pa ako nung first day ko dito.
"I will miss R.U and even R.Academy."
Zoe added. Kami nalang kasi ni Jhay ang maiiwan dito. Lilipat kasi ng school yung tatlo. Kunbagay, magaganda naman yung school na lilipatan nila na kilala sa mga course na gusto nila.
"Kami, ito parin ang makikita the next four years."
Sabi pa ni Jhay at nagtawanan kami. True. Hahahaha. Pero lamang si Jhay dahil ako, dalawang taon palang dito.
Bumuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.
Mabilis na lumipas ang mga araw at bilang na sa mga kamay ko ang natitirang araw ng pagiging senior high school students namin. :<
Sobrang bilis ng oras kapag ayaw mong matapos ang isang bagay. I will miss my classmates. Kahit hindi ako masyadong close sa iba sa kanila pero nagsama din kami ng dalawang taon. They became part of my life.
Nasa loob ako ng classroom at nakatunganga lang dahil wala na kaming klase.
Maya-maya ay nagvibrate yung phone ko at nakita ang text ng bestfriend ko.
From GabGab:
"May klase kayo?"To GabGab:
"Wala. Bakit?"Hindi na ito nagreply sakin kaya hinayaan ko nalang. Ewan ko kung bakit ako tinatanong non.
Nagscroll nalang ako sa social media ko.
"Psst!"
Nagkunot ang noo ko nang makarinig ng sitsit. Baka mga kaklase ko lang dahil mga nagkukulitan ang karamihan, yung iba naman ay naglalaro, yung iba natutulog.
Nagkibit balikat nalang ako pero maya-maya ay may sumisitsit ulit.
"Hoy, te! Famous ka, te?"
Automatic akong napalingon sa bintana ng classroom namin at nakita si Jhay na nakasilip doon.
"Kanina pa kita tinatawag."
Sabi nito kaya tumayo ako at nilabas siya.
"Bakit?"
Tanong ko dahil hindi ko alam na pupunta siya dito. Hindi naman siya nagreply kanina.
"School tour tayo. Wala ako magawa sa room e. Nakakaboring."
Reklamo nito ay nagkamot pa ng batok niya.
"Si Zoe?"
"May klase pa sila."
Hindi na ako nakatanggi dahil hinila na niya ako. Nagpahila naman ako dahil wala din naman akong gagawin tsaka magchachay naman sila sa group chat namin if ever may teacher na dumating.
Una naming nadaanan yung special rooms which is yung computer room, music room, art room, at iba pa. Naalala ko yung isang beses na pinanood ko si Zach habang tumutugtog siya and yung bigla niya akong hinila na kamuntikang humiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko.
"Naalala mo yung nangyari sayo sa Art Room?"
Pagtatanong ni Jhay sa akin nang matigil kami sa tapat nito at mukhang natatawa pa.
BINABASA MO ANG
Crazy Little Love
Ficção AdolescenteAmaya has a happy life with incomplete memories and the time she's ready to make it complete, she found not just memories but love. Her crazy little love. Status : Completed Posted on : May 14, 2020 - July 21, 2021