CHAPTER 32

26 2 0
                                    

32

________________________________________

Dumating ang Biyernes at hindi pa rin pumapasok si Sky. He's absent the whole week. Gustuhin ko mang puntahan ulit siye he's mad at me. Para bang ayaw niya akong makita dahil sa mga sinabi at inasta niya nung huling punta ko sa kanila.

"Uy, tulala ka na naman."

Napakurap ako at napatingin kay Jhay habang nandito kami sa peaceful place ko dahil recess ngayon.

"Kanina ka pa tulala. Nilalangaw na pagkain mo o."

Sabi nito sa akin at pinaypayan ang pagkain ko. Tinanggal na rin yung part na nadapuan ata ng langaw.

"Kumain na."

Nag-umpisa na akong kumain at iniwan muna ang mga pinag-iisip ko.

Lumipas ang mga oras at walang masyadong naging ganap as usual ang buong araw ko. Puro pagpaparinig at pag-irap ng mga tao sa paligid lang ang bumuo nito.

Inaayos ko na ang gamit ko ng biglang lumapit sa akin si Hani.

"Uhmm. Amaya..."

Pagtawag niya sa akin at agad akong tumigil sa ginagawa ko.

"Uhmm.. Can I talk to you?"

Tanong nito sa akin habang hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Oo sige. Saan mo gusto mag-usap?"

Agad kong sagot at sinakbat na yung bag ko. Iintayin ko pa naman si Jhay dahil kakatapos lang siguro ng training nila.

"Uhmm.. maybe dito nalang. Hintayin nalang nating makalabas lahat."

Sagot nito sa akin ay umupo sa upuang nasa unahan niya.

"Ahh. Ok sige."

Umupo na lang din ako at inintay na nga naming makalabas ang lahat ng kaklase namin. Tinignan ko si Hani saglit at nakatungo niya at nakatingin lang sa mga sapatos niya. That makes me worry. Is she ok?

Nang makalabas na yung huli naming kaklase iniharap ko na ang bangkuan ko sa kanya.

"What do you want to talk about?"

Tanong ko na sa kanya pero hindi siya tumitingin sa akin. Napakunot ang noo ko at pilit iniintindi ang porma niya ngayon.

Nanlaki nalang ang mga mata ko nang marinig siyang humikbi.

"B-bakit ka umiiyak?"

Nag-aalala kong tanong at hinawakan siya sa magkabilang braso. Parang naiiyak na rin ako kahit hindi ko alam kung anong iniiyak niya. I can't stand seeing her crying. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak.

"Anong problema? Are you ok? You can tell me."

Taranta ko nang tanong dahil kita ko na ang tuloy-tuloy na tulog ng mga luha niya.

"Tungkol ba sa inyo to ni Jhay or any personal problem. Makikinig ak---"

Naputol ang sinasabi ko nang bigla niya akong yakapin. Hinayaan ko nalang siya munang yakapin ako.

Crazy Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon