CHAPTER 12

49 6 0
                                    

12

_________________________________

We are here again sa basketball court dahil break time na namin. Hindi ko parin alam sasabihin ko matapos kong sabihin sa harapan nila na girlfriend ako ni Sky. Triny ko pang kurutin ang sarili ko dahil baka panaginip lang to.

"Aray."

Hindi siya panaginip. T_T

"Here. Eat well."

Sabi niya pagkaabot niya ng paper bag sa akin.

"Uhmm. Is it really true? Payag ka na?"

Pag-tatanong niya sa akin pagkaupo niya. Nandito kami sa bleachers and kaming dalawa lang ang nandito. Kahit kahapon, kami lang yung nandito.

"Siguro. Oo. Nasabi ko na e."

Sagot ko na para bang may konting pagsisisi dahil ang daming pwedeng mangyari na hindi ko inaasahan. :<

"Bakit ka pumayag?"

Kailangan pa ba may dahilan. Pumayag na nga ako e. Bawiin ko yun e.

"Naisip ko lang kagabi, parehas naman tayong makikinabang dito sa naisip mong to. You can stop Zoe from hurting or attacking me, which is my advantage. And she will stop bothering you and following you dahil siguro naman ay may pride siya kaya hindi siya susunod-sunod sayo kung kasama mo ang girlfriend mo."

Mahaba kong explanation sa kanya. He just nod and continue his food. Tignan mo to, nag-explain ako tapos tango lang matatanggap ko. Psh.

Tapos na akong kumain at yakap-yakap ko na yung tuhod ko habang pinagmamasdan ang buong paligid.

"Sky."

Pagtawag ko sa kanya.

"Hmm?"

"Does Zoe negatively affect your studies?"

Tanong ko dahil ako ang nahihirapan para sa kanya everytime na may quiz kami after breaktime or lunch. Nakakapagreview pa kaya sya non? Nakakafocus? Isipin mo, limang taon may sunod nang sunod sa yo. Kung ako yun, lilipat na ako ng school.

"Sometimes. But there are times naman na nakakapagfocus ako at nakakapagreview pa. Pero may mga times din na I can't focus because of her. She's so clingy."

Sagot nuya sa akin na para bang nagsusumbong. Ano, sugurin na ba natin? Hahaha. Char.

"Pero sa loob ng limang taon na nakasunod siya sayo, hindi ka ba nagkaroon ng kahit konting feelings sa kanya?"

Tanong dahil limang taon yun ano. Limang taon siya nagbibigay ng motibong gusto ko kanya. Hindi ba uso ang development sa kanya?

"Nope. I tried but I can't."

Lumingon ako sa kanya nang sabihin niya yon.

"Why? Limang taon yun, grabe naman. Kung ako yun nadeve--"

"May ibang tao akong nagugustuhan."

He cut my words.

"In five years?"

I asked.

"More than that."

Sagot nya at tumayo na para bumalik sa room namin. More than five years? Really? Ganon katibay at katagal?

Nandito na kami sa labas papuntang parking area dahil uwian na at pansin na pansin ko yung mga ka-schoolmate namin na pinag-uusapan ako.

Parang impyerno ang bawat hakbang ko dito sa hallway. Medyo nakahinga na ako nang maluwag nang makarating na kami ng parking area.

Crazy Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon