CHAPTER 25

34 3 0
                                    

25

______________________

"Alis na po ako, ma."

Paalam ko kay mama dahil nakauwi na siya kahapon kaso may panibago siyang lakad tomorro hanggang Saturday. :<

"Wag mong kalimutan yung invitations ha?"

Sigaw pa ni mama bago ako makalayo. Binigay na kasi ni mama yung invutations para sa debut ko sa Sunday which is ako ang nagdesign.

Bali five invitations ang dala ko for Sky, Jhay, Hani, Vince, and syempre kay Zach. Duh! Hihihihihi.

"Good morning, pikachu!"

Masigla kong bati kay Sky nang makalapit na ako sa kotse niya.

"Morning, my baby piglet."

Argh! Papansin. Psh. I just rolled my eyes at pumasok nalang sa kotse niya. Kaya minsan ayoko mang-asar e, ang dali ko kasing napikon. Hmp.

"Wait,"

Pagpigil ko sa kanya at hinahalukay ko na sa bag ko yung invitation.

"Eto oh."

Iniabit ko na sa kanya yung floral kong invitation.

"What's this? A love letter?"

Love letter?! Adik ba siya? Bakit ko naman siya bibigyan ng love letter?

"Invitation yan. Magbasa ka nga."

Masungit kong sabi sa kanya at ikrinos ang mga braso ko.

"For? A date?"

Lintek! Feelingero talaga. Jusko! Sisipain ko na to e.

"Para birthday ko yan!"

Sigaw ko na at hinapas siya sa braso dahil napipikon na ako. Sasapakin ko na siya.

"Ow.. Ok."

Psh. Whatever. Pinaandar na niya yung kotse at nakarating na kami ng school.

Nung recess time namin at pinuntahan ko muna si Jhay para isama na rin siya sa canteen.

"Oh, Kylayn."

Hay, Kylayn. Inabot ko na sa kanya yung invitation na hawak ko habang naglalakad kami papuntang canteen.

"OMG!"

Napatigil ako sa paglalakad nang sabihin niya yon at nakatakip pa yung isang kamay sa bibig. Problema nito?

"Don't say na nafall ka sa akin."

What the? Agad ko itong hinampas sa braso.

"Ano ba! Invitation yan sa debut ko. Bakit ba napagkakamalan niyong love letter? Hindi ba kayo marunong magbasa muna. Ako pa nag-edit niyan, pumili ng papel, fonts and everything. Nakaka-offend kayo."

Pagrarant ko habang naglalakad kami. Argh! Ang effort ko kayang ginawa yan.

"Galit ka na niyan?"

Psh! Hahampasin ko dapat ulit siya pero agad na siyang tumakbo palayo sa akin. Grr! Sipain ko kayo e. Nakakainis.

Nakarating na nga ako ng canteen at naabutan ko na dun sila Sky, Vince, at Hani na nakaupo.

Crazy Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon