06
__________________________________
Naglalakad na ako sa hallway papunta sa room nang may papunta sa aking tatlong babae. Teka, si Zoe ba tong nasa gitna?
"Hey, Taylor!"
Sigaw niya sa apelyido ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Ano na naman? Ano bang nagawa ko nung friday? Ow shet! Yung kape!
"A-anong kailangan mo?"
Utal kong tanong sa kanya.
"I warned you already. Masyado bang mabagal yang utak mo kaya hindi mo yon maprocess agad?"
Aba! Minamaliit na naman niya yung kakayahan ko.
"B-bakit ba? Wala naman akong ginagawa? Lumalayo naman ako kay Sky."
Sagot ko dito kahit ba medyo nanginginig na ang mga tuhod ko.
"Lumalayo? What's about the fucking coffee na itinapon mo sa uniform niya and yung nagkunwari kapang nahimatay para lang mabuhat ka ni Sky?!"
Sigaw nito at itinulak pa ako. Muntikan na akong matumba pero kaya pa naman ng tuhod ko. Nakakatakot ang awra ni Zoe, parang anytime pwede niya akong kalbuhin.
"Hindi ako nagkunwari. Nawalan talaga ako ng malay nung friday and yung kape, I didn't mean to spilled it to his uniform".
Depensa ko habang nakatungo dahil hindi ako makatingin sa mga mata nito.
"Really, Huh?"
Sabi lang nito at inintay ko kung anong susunod niyang gagawin. Tumunghay ako ng konti at nakita kong may kinuha siyang paper cup sa kasama nito. Teka? Kape ba yun?
"You f*cking liar!"
Napapikit nalang ako at prinutektahan ang ulo ko gamit ang dalawa kong kamay nang makita kong itatapon na ito sa akin ni Zoe pero ilang segundo na ang lumipas, wala akong naramdamang dumampi na kahit anong kape o kung ano man sa balat ko.
I heard everyone gasp kaya dumilat na ako.
"S-Skyler."
Rinig kong gulat na sabi ni Zoe. I can't see her reaction dahil nakaharang si Sky at nakaharap ito kay Zoe.
"B-Bakit ka humarang?"
Utal nitong tanong at sinilip ko siya at gulat na gulat parin ang mukha nito. Kumuha ito ng panyo para punasan si Sky.
"Don't touch me!"
Nagulat ako nang biglang sumigaw si Sky at ganun din ang tao sa paligid.
Hindi nakasagot si Zoe. I'm still in shock nang hilahin ni Sky ang kamay ko.
Nilingon ko si Zoe habang nagalakad kami palayo ni Sky. Inis na inis ang mukha nito at ibinato yung cup na pinaglagyan ng kape.
"Where are we going?"
Tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot. Maya-maya tumigil kami dito sa sink kung saan hinugasan ko yung gasgas ko nung friday.
Binitawan niya ang kamay ko at nagbasa siya ng braso niya and then he also washes his face. Napatulala nalang ako nang tumunghay ito at pinadaan ang daliri niya sa buhok niya.
"Won't you at least give me a towel or something?"
Pagsusungit niya sa akin pagkatapos nang ilang segunding katahimikan dahil napatunganga ako sa kanya.
Mabilis ko naman kinuha yung panyo ko sa bag ko.
"E-eto oh."
Sabi ko at inabot sa kanya. Pinunas niya ito sa mukha at maging sa buhok niya. Para akong nanonood ng commercial ng shampoo dahil sa gwapong mukha nito at ganda ng buhok niya.
BINABASA MO ANG
Crazy Little Love
TienerfictieAmaya has a happy life with incomplete memories and the time she's ready to make it complete, she found not just memories but love. Her crazy little love. Status : Completed Posted on : May 14, 2020 - July 21, 2021