CHAPTER 35

16 1 0
                                    

35

__________________________________________

Naggabi na nga at nag-aayos na ako ng sarili para sa party. Hani is in the other room for her preparation. Sinoot ko ngayon ang black bikini ko at pinatungan itong ng pink floral dress na may slit sa right leg ko and yung flower crown na ibinigay sa akin ni Hani na isuot ko daw. Sakto ito sa suot ko dahil pink flowers ang bumubuo dito.

Tinignan ko ang cell clock ko at 7:02 na ng gabi, 7:30 ang umpisa ng party.

Isinuot ko ng ang knitted beach sandals ko bago lumabas ng pinto. Saktong kakalabas lang ni Jhay na nakasuot ng blue floral beach polo na nakabukas ang tatlong butones and light blue short.

"Pupunta ka na don?"

Tanong ko sa kanya at tumango naman ito sa akin. Nalipat ang tingin ko sa taong nasa likod niya, si Sky na nakasuot ng pink floral beach polo na hindi pa nakasara ang lahat ng butones dahil mukhang kakasuot lang niya nito and he partnered it with black shorts. Napabalik ang tingin ko sa loob ng damit niya at agad napaiwas ng tingin.

"Di man lang ba natin hintayin sila Sky at Vince?"

Tanong nito na nagpalahila sa akin.

"Hayaan mo sila. Malalaki na sila, kaya na nila pumunta don."

Sabi ko at nakarating na nga kami dito sa venue. There are eight poles na kinakabitan ng led warm lights na nagsisilbing kunwaring bubong ng buong venue. There lots of chairs and tables na may warm light lanters sa gitna.

Mukhang kasya ang isang daang katao base sa pagkakatansya ko ng mga upuan and when my eyes reach the end of it, nandun ang pagkalaki-laking pangalan ni Hani na covered with flowers. There's a wooden background and a wooden chair in front of it. Ang romantic ng lugar.

Hani says na kapag nag-10 na ay lilipat kami sa pool area which is sa rooftop ng hotel na pinag-i-stay-yan namin. Tinignan ko iyon mula dito at mukhang nag-aayos palang sila doon.

"Dun tayo sa unahan."

Hinila na ako ni Jhay at sa unahan niya kami naupo. Kapal din talaga misan ng mukha nito e.

May mga tao na din dito pero hindi pa puno ang mga upuan. By six ang mga upuan dito, btw.

Napakunot ako ng noo ng itaas ni Jhay ang kamay niya. Ano ba? Nagtatawag ka ba ng waiter?

Nilingon ko ang likuran ko at nakita ko si Vince at Sky. Agad akong napabalik ng tingin sa unahan. Aist!

"Sana hindi umupo sa tabi ko si Sky, sana hindi!"

Bulong ko sa sarili ko.

Pagkamulat ko naman ay natupad ang kahilingan ko dahil sa tabi ni Jhay siya umupo and sa tabi naman nito umupo si Vince. May bakanteng dalawang umupuan sa tabi ko.

Nilibang ko lang ang sarili sa cellphone hanggang sa mag-umpisa na ang program.

"Oy te, nandyan best friend mo."

Crazy Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon