CHAPTER 15

38 5 0
                                    

15

__________________________________

Hila-hila ko na yung mga gamit namin papunta dito sa room namin dito. Ang pagkakaalam ko, bakasyon lang nung isang buwan, bakasyon na naman ulit?

Aangal pa ba ako? Batangas na yon.

"Kunin nyo pa yung ibang gamit don. Ako na ang mag-aayos dito."

Utos sa amin ni mama kaya bumalik ulit kami ni kuya sa sasakyan. Pagkabalik namin don may dumating na isang pang sasakyan. Mukhang sasakyan yon nila tita Sofia.

Pagbukas ng pinto nakita ko kaagad na kandonghkandong ni tita Sofia si Sandy. Agad siyang ngumiti sa akin.

"Hello Sandy~"

Bati ko at lumapit dito. Nakita ko sa likuran nila tita Sofia ang natutulog na magkapatid na parehas pa ng pwesto. Hahahaha. Magkapatid talaga sila.

"Hoy, gumising na kayo. Nandito na tayo."

Paggising ni tita at pagtapik sa mga hita ng dalawa. Nagising naman sila at agad bumaba ng sasakyan.

"Amaya, punta na kayo ni tita sa room. Kami na sa mga gamit."

Utos sa akin ni kuya at pabor naman sa akin yun. Hehehehe. Bumaba nadin sina tita sa sasakyan at agad pumunta sa akin si Sandy. Si Sandy talaga ang pinunta ko dito e.

"Let's go na, Sandy."

Sabi ko sa kanya at humawak naman siya sa kamay ko. Hinayaan naman ako ni tita na akayin na si Sandy papuntang room namin. May kasama naman akong isang maid na personal baby sitter ni Sandy dahil naalala kong siya yung nag-alalay sa akin nung time na nakatulog sa balikat ko si Sandy.

We rent four rooms in total. One for me, my mom, tita Sofia, Sandy and his baby sitter. One for kuya Xander, kuya Shin, and Sky. One for our two drivers. One for our two maids na bukod pa yung baby sitter ni Sandy.

Nandito lang ako sa kwarto namin at nilalaro si Sandy. I tell ate Karen (his baby sitter) na mag siesta muna dahil kanina pa siya hikab nang hikab. I can hadle naman.

"Do you know how to swim ba Sandy?"

He look at me with his pouty innocent face and shook his head. Awe! Ang cute nya talaga. >.<

"Amaya, kain na tayo sa labas."

Sabi sa akin ni mama kaya niyaya ko na si ate Karen. Past 2PM na rin kaya gutom na ako.

Pumunta na kami sa pavilion at kumuha ng kakainin namin. Tanaw mula dito ang puting buhangin at ang magagandang alon. Hindi man ako good swimmer, pero gusto ko ang dagat. It's so relaxing and refreshing. Nakakalimutan ko mga problema ko kapag nakakakita ako ng beach. :>

"Meron daw event mamayang gabi, sakto pala ang pagpunta namin."

Kwento ni tita Sofia habang kumakain kami. Gusto ko nang simulang lumibot dito. Lakarin ang pangpang sa layo ng makakaya ko. :>

"Ma, pwede ba akong maglakad-lakad?"

Paalam ko kay mama dahil kanina pa kami nakatambay lang dito sa pavilion.

"Oo, basta wag ka masyadong lalayo."

Crazy Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon