23
______________________
Nakabalik na ako ng room at nandun na si Sky. Hindi ko na ito pinansin dahil nagce-cellphone lang ito.
Nandito narin sina Hani at Vince kaya hindi na ako nag-alala masyado para kay Hani. Hindi ko tuloy masyadong nakakausap si Hani. Paano kami magiging close? Psh.
Nagring na ang bell for lunch.
"Tara na, Skyler!"
Nalingon ako nang akbayan ni Vince si Sky kaya hindi na ito nakaalis kaagad.
"Let's go."
Naramdan ko ang malambot na brasong na nagcross din sa braso ko. Si Hani. Nginitian ko din siya at naglakad na kami palabas.
Nang makarating kami ng canteen, nag-order na kami at umupo. Tatabi sana ako kay Hani pero agad nang umupo dun si Vince kaya wala na akong choice kundi sa tabi ni Sky umupo.
Tahimik lang kaming lahat na kumain. Halos makalahati ko na yung pagkain ko pero wala parin nagsasalita.
"Uhmmm--- Skyler, kailan daw umpisa ng training natin?"
Pagbasag ni Vince sa katahimikan.
"Next month."
Maigsi lang na sagot ni Sky kay Vince.
"Uhmm-- exact date?"
"Hindi ko alam."
Agad natapos ang usapan nila at tumahimik na naman ng ilang minuto.
"Uhmm--- Amaya, what do you want me to teach you sa Saturday para makapaghanda na ako."
Nakunot ang noo ko nang si Hani ang magbasag ng katahimikan.
"Guitar."
Maikli ko lang sagot dahil ayokong masyadong magsalita.
"After I teach you chords, what song do you want me to teach you?"
Pagpapahaba niya sa usapan. Nag-iisip din ako kung ano nga ba?
Napaisip ako kung ano nga bang kanta ang gusto ko
"Maybe chords muna tayo."
I answered dahil baka gabihin kami don.
"Ok sige. Pero kung may naiisip kang song, sabihin mo kaagad sa akin para mapag-aralan ko."
Sabi ni Hani sa akin at ngumiti. Agad naman may nagflash back na kanta sa isip ko.
"Uhmmm. Napanood mo ba yung kinanta ng isang performer nung last time na nagkaprogram?"
Bigla kong naitanong nang maalala yung kinakanta ni Zach nung narinig ko siya sa music room na siya rin kinanta niya nung nagperform siya.
"Who?"
"Uhmm. Zach Egan. Pinerform niyang song. Dating Tayo by TJ Monterde."
Sabi ko at nangingiti na dahil naalala ko kung gaano kaganda ang boses ni Zach nun lalo na nung nasa music room pa siya at walang effect ng mic.
"You're a fan of him?"
Tanong niya dahil mukhang kilala niya din dahil sabi daw ay kumalat agad ang pangalan ni Zach sa mga baguhang students pagkatapos nung program nun.
"Yeah. Sobrang galing niya maggitara tapos ang ganda pa ng boses niya."
Medyo natutuwa na ako dahil siya ang pinag-uusapan namin.
BINABASA MO ANG
Crazy Little Love
Teen FictionAmaya has a happy life with incomplete memories and the time she's ready to make it complete, she found not just memories but love. Her crazy little love. Status : Completed Posted on : May 14, 2020 - July 21, 2021