18
____________________________
"Nandito na po ako."
Sabi ko pagpasok ko ng bahay. At hindi ako sigurado kung narinig nila yung boses ko at hindi ko rin alam kung nasaan sila ngayon.
Umakyat na ako ng kwarto para makaligo dahil ang baho baho ko na. 10:35 na ng umaga. May tanghalian na kaya kami?
Kinalikot ko muna yung cellphone baka nagtext ang nanay ko. Wala naman, kaya nandyan lang yun sa paligid.
Mabilis lang akong naligo at bumaba na, na sya ring kita ko kay kuya.
"Kuya, nasaan si mama?"
Tanong ko sa kanya kahit wala naman akong kailangan kay mama, gusto ko lang malaman kung nasaan sya bakit ba?
"Secret."
Abayga! Pashena! Psh! Hindi nanaman makausap ng maayos. Hindi ko nalang sya pinansin at pumunta sa likuran ng bahay namin. Wala dun si mama, nasaan naman kaya si mama?
"Bakit palakad-lakad ka?"
Sa pagbalik ko sa loob narinig ko na yung boses ni mama.
"Ha? Wala, nagugutom na kasi ako. May pagkain na ba?"
Sabi ko kay mama sabay hawak sa tiyan ko. Seryoso, nagugutom na nga ako.
"So, anong nangyari?"
Kumunot yung noo ko sa tinanong ni kuya. Hindi ko alam kung sino yung kausap nya, pero nakatingin sya saakin. So, ako yung kausap niya?
"Nangyari saan?"
Tanong ko at natigil sa pagkain.
"Kagabi, di ba magkasama kayo kagabi?"
Kagabi? Ano naman kayang mangyayari pag gabi? Edi matutulog. Ay teka? Aba!
"Hoy, tumahimik ka nga kuya. Ang bata pa namin para sa ganun."
Depensa ko na agad dahil alam ko yung pinupunto ng dila nitong kuya kong mabait.
"Hala, defensive si Mayang. Ma oh."
Aba, talagang isusumbong pa ako. Eh siya nga tong naunan.
"Hoy anong defensive. Alam ko lang kasi yung nasa utak mo."
Pag aaway namin ni kuya.
"Nako, iba lang kasi yang iniisip mo. Ikaw ha. Hindi mo pa pwedeng gawin yon. Lagot ka sakin tignan mo."
Aba, ako pa tong iba iniisip.
"Tumigil na nga kayo."
Pag saway sa amin ni mama. Pashena kasi tong pashena na to eh. Tumuloy nalang kami sa pagkain.
"Pero anak, ano ngang nangyari?"
Tanong pa saakin ni mama.
"Mama?! Pati ba naman ikaw?"
Bigla silang nagtawanan ni kuya. Etong si mama nakikisali pa sa pang aasar ni kuya eh. Isusumbong ko kayo kay papa. Porket wala dito yung kakampi ko eh. Si papa kasi yung lagi kong kakampi pag nangbu-bully tong si mama at kuya eh. Eh nasa Singapore. Pero uuwi naman yun sa birthday ko eh. Well, hindi ko pa nga pala nakukwento sainyo si papa.
Eto ikukwento ko na.
Daddy's girl ako, kaya nung kailangan pumunta ni papa sa Singapore para sa company namin. Ow yes, may company kami. Kahit mukha akong dugyot, dukha o ano pa man, may company kami. Nung umalis sya, nagwawala ako nun sa airport pero wala, kahit anong lumapasay ko dun umalis parin si papa. Twice to thirce a year lang sya umiiwi kaya excited ako nitong birthday ko dahil uuwi sya. Yes! Tas magkaka-kotse na ako. Yeppiee!
BINABASA MO ANG
Crazy Little Love
Novela JuvenilAmaya has a happy life with incomplete memories and the time she's ready to make it complete, she found not just memories but love. Her crazy little love. Status : Completed Posted on : May 14, 2020 - July 21, 2021