CHAPTER 53

22 2 0
                                    

53

___________________________________________

[Hoy! Sabay na tayo!]

Kahit nakalayo ang cellphone sa akin at nakaloud speaker lang ito, narindi ako sa sigaw ni Jhay.

"Bakit ka ba sumisisigaw?! Bakit di kayo sabay ni Zoe?"

Tanong ko dahil magdadrive na pa naman sana ako papunta kina Vince. Yiieee. Nung isang araw, sabi ng teacher ko ay magaling na ako at mag-ingat sa pagdadrive. Omg, this is my first errand with LadyBug! :>

[Ayokong sumabay sa kanya.]

Sabi niya. Aba, bakit LQ na naman sila?

"Bahala ka. Pumunta ka dito."

Sabi ko at pinatay nya naman yung call. Aba, bastos. Patuloy na akong nag-ayos ng sarili at saktong pagbaba ko ng hagdan at tumawag ulit si Gabriel.

[Nandito na ako.]

"Oo sige, wait."

Sabi ko and then I hang up. Hinanap ko si mama para makapagpaalam at ganon din si kuya.

"Ingat sa pagdadrive ha? Tsk! Nako. Wag ka na kaya muna magdrive."

Sabi ni kuya na sobrang alalang-alala sa akin.

"Samahan na kita."

Sabi niya pa at kinuha ang gamit niyang nakapatong sa center table sa sala namin. Nangiti nalang ako at napatawa.

"Ow come on, kuya. Nakita mo na akong magdrive one time. Ang galing ko kaya. You even praised me after that."

Sabi ko sa kanya. Naalala ko pa non na para bang grumaduate na ako ng college sa sobrang proud niya.

"Kasama ko naman si Jhay kaya don't worry."

I said to make him not to worry much. Nakilala na din nila si Jhay simula nung nagising ako. Sa sobrang kadaldalan at feeling close ni Jhay syempre close na agad sila ni kuya at mama. Nakachika-han pa nga niya one time si papa isang beses.

Kahit parang labag pa rin sa kalooban ni kuya, pinayagan na nya ako. Ganon din si mama kahit parang gusto akong lagyan ng helmet kahit kotse ang sasakyan ko.

I really work hard in my driving lessons and classes kaya tenen! I'm ready to drive publicly. :>

Paglabas ko ng pinto ay nakita ko si Jhay na nasa labas ng gate namin at kachikahan si kuya Cedrick don na guard namin.

"Gabriel!"

Sigaw ko at natawag ko naman ang pansin niya at niyaya itong lumapit sa akin para hindi na ako titigil sa gate para makasakay siya.

"Seryoso ka? Ako pa isasama mo sa first errand mo?"

Para bang manganganib ang buhay niyang reaksyon nang malaman na ako ang magdadrive para sa amin dalawa.

"Just trust me. Pati idol mo, bibilib sa driving skills ko."

Pagmamayabang ko at sumakay kay LadyBug. Nakita ko pa ang takot at parang nagdadalawang isip niyang mukha nang sumakay ito sa shotgun sheat.

Crazy Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon