30
___________________________________
Dumating na ang araw ng Linggo, so it means babalik na si papa sa Singapore. :<
Nandito na kami ngayon sa airport ni mama at kuya para ihatid si papa. Niloloko pa nga ako ni kuya bago kami umalis na baka daw maglumpasay na naman ako sa sahig ng NAIA pag-aalis na nga si papa. Psh! Nung bata pa kasi ako non. Hindi na ako bata no. Hmp.
Nandito lang kami sa waiting area at hinihintay ang announce about sa flight ni papa.
"Wag ka maglulumpasay ha?"
Pag-aasar na naman ng kuya ko at hinabol ko. Ito ng hampas ng payong na dala ko. Classic long umbrella pa naman to kaya nahampas ko siya kahit nung tio ng payong. Yung ang ganda ko tapos gantong payong dala ko. Di ba, perfect match. :>
"Good afternoon passengers. This is the pre-boarding announcement for flight BA2490 to Singapore. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes time. Thank you."
Agad na akong napanguso nang marining ang pre-boarding announcement at lumingon kay papa na inaayos na ang gamit niya.
Nagpaalam na siya kay mama at kuya at papalapit na siya sa akin para magpaalam.
"See you soon, my princess. Work hard for your driving school. Mag-iingat. Love you."
Sabi niya sa akin at hinalikan ako sa noo. Hindi na ako nakapagsalita dahil maiiyak lang ako. Ang tagal na naman ulit bago ko siya makita. :'<
Nang hindi ko na matanaw si papa, may naramdaman na naman akong bubulong sa tenga ko.
"Oh, magwawala ka---"
"Aaarrrggghhhh!"
Hindi na niya natuloy yung sasabihin niya dahil hinabol ko na ulit ito ng payong ko.
"Alvina Amor! Alexander!"
Napatigil agad kaming parehas sa pagtakbo nang tawagin kami ni mama sa ganung pangalan. Inirapan ko nalang si kuya at hindi na pinansin. Paepal.
Pagkadinner namin dito sa airport ay napagdesisyon na din agad naming umuwi dahil ala-sais imedya na ng hapon, may pasok pa bukas.
Kinabukasan, medyo masakit ang ulo ko paggising dahil sa pagod ng byahe kahapon. Halos hindi ko na nga rin naayos yung gamit ko dahil sa pagkapata ko pag-uwi.
Nang makatapos na ako kumain ng umagahan, nagtataka ako kung bakit wala pang bumubusina sa labas. Anong oras na.
Nagpaalam na ako sa kanila tsaka lumabas ng bahay at agad bumungad sa akin ang army green na kotse pagkalabas ko.
Kumunot ang noo ko nang salubungin niya ako kahit sa kanya naman ako papunta.
"Kanina ka pa? Bakit hindi ka bumusina?"
Tanong ko sa kanya nang makalapit siya sa akin. Nadagdagan ang pagtataka ko ng kunin niya ang bag na dala ko maging ang librong nasa braso ko.
"I don't want to hurry you."
Sagot nito at naglakad na kami papunta sa kotse niya. First time niyang sinabi yon ah? Hindi ko na nga mabilang sa mga kamay ko kung ilang beses na niyang nasabi ang mga katagang...
BINABASA MO ANG
Crazy Little Love
Teen FictionAmaya has a happy life with incomplete memories and the time she's ready to make it complete, she found not just memories but love. Her crazy little love. Status : Completed Posted on : May 14, 2020 - July 21, 2021