CHAPTER 36

21 1 0
                                    

36

_________________________________________

Nakaramdam ako ng sakit ng ulo kaya unti-unti kong iminukat ang mata ko. Pagkadilat ko ay nakita kong nasa kwarto ako namin ni Hani at ang lamig... I look what am I wearing right now agad akong napatakip ng bibig ko at napabalikwas ng bangon.

BAKIT NAKA BATHROBE LANG AKO AT WALA NANG IBANG SUOT?!

Agad kong inalala ang nangyare kagabi. Nasa pool, uminom kami, kwentuhan, nahilo ako, paglabas ko nasa labas si Sky... paglaba ko nasa labas si Sky.... ANO NA SUMUNOD NON?! Argh!

Pinakiramdaman ko ang katawan ko kung ano bang nangyare sa akin pero sakit lang ng ulo ang iniinda ko ngayon. Wala namang masakit sa ibaba ko kaya hindi na ako kinabahan. Hindi ko naman kailangan mag-alala tungkol don di ba?! HINDI NAMAN DI BA?! AAAAAHHH!

Ginulo ko ang buhok ko at tumingin sa paligid. Ang himbing pa ng tulog ni Hani sa kama niya kaya hindi ko na ito magising. Pumunta ako sa cr para maghilamos nang manlaki ang mata dahil nandun lahat ng hinubad ko.

PUTEK! BAKIT NANDITO TONG MGA TO?! SINONG NANGHUBAD SA AKIN?! AAAAHHHH!

Iniligpit ko na yung hinubad ko bago maglinis ng katawan.

Pagkabihis ko ay ang sakit pa rin ng ulo ko at mas sumasakit pa ito kada inaalala ko kung ano bang nangyari sa akin kagabi. Ang huli ko lang naalala ay nagkausap kami ni Sky. Tapos... Yon! Ahhh! Si Sky! Si Sky ang tatanungin ko.

Aist! Kaya ko bang tanungin yon? Sumisikip nga ang dibdib ko kada nagkikita kami e. Si Jhay? Teka? Nasaan si Jhay kagabi? Huli kong naalala binigyan niya ako ng baso. Argh!

Naistorbo ang pag-iisip ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.

From Pikachu:
"Gising ka na ba?"

Inaalala ko kung kailan ko ba pinalitan ng Pikachu to pero ang tagal na nung huli naming text.

To Pikachu:
"Bakit?"

Tanong ko dito dahil bakit naman naman niya ako tatanungin kung gising na ako. Close ba kami?

Sinubukan kong tawagan ang cellphone ni Jhay pero patay ang cellphone nito. Hayst!

From Pikachu:
"Open the door. I'm here."

Kinabahan ako bigla nang mabasa yun at halos madapa pa nang tumakbo ako sa pinto. Argh! Yung ulo ko! >.<

Nagpunta akong pinto pero hindi ko binuksan yon dahil alam kong si Sky ang bubungad sa akin once na buksan ko ito.

From Pikachu:
"Hey, open the door."

Muling pagtunog ng notif ko dahil ilang minuto na akong nandito sa tapat ng pinto. Dahan-dahan ko nang binuksan ito pero halos isang dangkal lang bukas nito.

"Bakit?"

Tanong ko kahit hindi ko kita ang mukha niya.

"Open it."

He commanded.

"It's open."

Sabi ko at umirap. Psh. Nakabukas na nga e.

"Anong kailangan mo?"

Tanong ko habang ganon parin ang ayos ng pinto.

"Open it widely. I can't see you."

Sinunod ko na ito pero isang dangkal lang ulit ang idinagdag ko sa pagbukas.

Crazy Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon