CHAPTER 43

13 2 0
                                    

43

___________________________________________

Nang makaramdam ako ng sinag ng araw na tumama sa mukha ko ay agad akong nagising. Pagmulat ko ay wala ako sa kwarto ko.

Nilingon ko sa ibaba si ate Andrea sa baba ngunit wala na ito dito. Mukhang pumasok na ito sa trabaho.

Iniligpit ko na ang higaan at lumabas ng kwarto. Kinukusot ko pa ang mata ko ng makita ko di Denden na nag-aalmusal sa sala nila.

"Magandang umaga po, ate Amaya."

Nakangiti niyang pagbati sa akin.

"Good morning."

Tugon ko at nginitian din siya.

"Pagtimpla ko na po kayo. Kape po ba o gatas?"

Pag-aalok niya sa akin. Ako na sana ang magtitimpla pero mabilis na siyang pumunta sa kusina nila.

"Gatas nalang. Salamat."

Sabi ko at umupo na sa sala. Nilibot ko ang paningin at wala pa si Otep at Sky. Wala din si aling Dina.

"Nasaan sila, Denden?"

Tanong ko nang makalapit ito sa akin at inilapag ang gatas sa center table.

"Namalengke po si, Inay. Si Otep po at si Kuya Sky, tulog pa po sa kwarto. Gusto mo po bang tignan ang pwesto nila?"

Nangiti ito sa huling sentence niya at agad akong nagkaron ng interes kaya dahan-dahan kaming nagtungo sa kwarto nila at binuksan ang pinto.

Agad lumapas ang ngiti ko nang makitang akap ni Otep si Sky at nakaunan sa balikat nito.

Agad kong inilabas ang cellphone ko para kuhaan sila ng litrato.

Pagpindot ko ng dalawang beses ay gumalaw si Sky kaya mabilis kong itinago ang cellphone ko.

Nag-inat at iminulat ang mga mata na agad nabaling sa amin ni Denden.

"Uhmm.. Good morning."

Bati ko sa kaniya at ilang segundo niya akong tinignan bago bumangon. Nagising na rin si Otep kaya bumaba na kaming apat sa sala para mag-almusal.

Nang mag-upo kami doon at hawak-hawak ni Sky ang balikat nito.

"Ok ka lang?"

Tanong ko dito habang nanonood ng tv ang magkapatid.

"Oo. Medyo nangalay lang."

Sabi nito at hinawakan ko ito para masahihin sa paraang alam ko. Matapos non at inubos na namin ang inumin namin at kumain ng pandesal.

"Anong oras ka nakatulog?"

Tanong sa akin ni Sky at agad kong inalala kung anong oras nga ba.

"Uhmm... 11 na siguro yon. Umabit ako ng thousands pagbibilang, hindi effective ang hanggang 100 lang."

Sabi ko dito at ngumisi. Naka 3,000 ata ako bago makatulog, namamali pa ako ng bilang.

"Ikaw, anong oras ka natulog?"

Crazy Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon