CHAPTER 10

66 6 2
                                    

10

_______________________

Naalimpungatan ako ng may tumamang sikat ng araw sa mukha ko. Abay bastos yung araw. Inaantok pa ako eh. Sabado ngayon, kaya kalayaan kong matulog ng mahaba.

Gusto ko pa sanang matulog kaso lumayas na yung antok sa kaluluwa ko kaya bumangon na ako at tumuloy ng cr at saka naligo. Medyo nakakaboring dito sa bahay kapag sabado pero mas gugustuhin kong weekends kesa makarinig ako ng kung ano-ano sa school. Kung pwede lang wag nang pumasok e.

Lumabas na ako ng cr pagkatapos kong maligo nang biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Alangang buksan ko ng nakatapis lang ako diba?

"Saglit lang."

Sigaw ko at nagbihis na ng madalian at hindi pa nga ako nagsusuklay pumunta na ako sa pinto at pinagbuksan yung kumatok. Pagbukas ko ng pinto nasa labas si mama.

"Bakit ma?"

Tanong ko kay mama na bihis na bihis. Nakapang jogging na pang-zumba na ewan.

"Saan punta mo ma?"

Tanong ko pa habang nagsusuklay ako.

"Mag su-zumba kami ng tita Sofia mo. Gusto mo ba sumama?"

Alok saakin ni mama. Nakailang aya na saakin ni mama yang pag su-zumba eh kaso ang lagi kong sagot....

"Ayoko ma. Alam mo namang ayoko ang pagsasayaw eh."

Sabi ko sakanya. Oo alam kong magiging healty pag pinapawisan pero wag naman yung pasayaw. Baka mag uwian yung mga tao dun eh. Hindi ako biniyayaan ng talento sa pagsayaw. Marunong sumayaw? Oo marunong ako hindi nga lang maganda tignan. Haha.

"Are you going to take a walk?"

Tanong saakin ni mama. Dahil every Saturday naglalkad-lakad ako.

"Hindi po. Tinatamad ako eh."

Sagot ko kay mama. Nako, manenermon nanaman to si mama.

"Nako, kaya ka maging sakitin. Oo na sige na. Wala din kuya mo. Magba-basketball daw sila. Alis na ako. May pagkain dun sa ref."

Bilin sa akin ni mama at umalis na. Tinatamad ako eh. Baka magutom lang ako sa daan balewala din yung pag jo-jogging ko. Hindi rin naging healthy dahil sa mga hindi healty na pagkain sa labas.

Bumaba na ako ng sala at binuksan yung tv. Ano namang gagawin ko dito sa bahay? Edi manood ng tv diba?

Pumunta ako sa ref para kumuha ng pagkain. Dahil ako'y nagugutom.

Kaso kung hindi naman ako magjo-jogging para maiwasan pagkain sa labas. Madami namang pagkain dito sa loob. Diba? Wala rin? Buti na nga lang hindi ako nagkasakit nung umulan.

Biglang tunog nung door bell pagkaupo ko dito sa sofa. Anu bayan. Kakaupo lang eh.

Papalapit na ako sa gate nang may matanaw akong apat na mukha ng lalaki. Teka. Sino tong mga to? Pagkalapit ko ng maiigi. Namukhaan ko yung pagmumukha ng Kuya kong mabait, si Kuya Shin, Sky at Vince. Eh? Close sila?

"Kakaalis lang ni mama?"

Tanong ni kuya pagkapasok nila ng gate. Tumango lang ako at nagmadaling pumunta sa loob ng bahay at nagtambay dun sa kusina. Syempre kakain ako. Ano pabang gawain ko dito sa bahay? Kakain diba?

Crazy Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon