20
_______________________
Nanonood na ako ng Netflix sa laptop ko habang kinakain yung mango chips na binili ko kaninang umaga. Mga 10:30 na ng gabi kaya tahimik na at mas maganda manood.
Pangalawang movie ko nang pinapanood to at hindi pa rin ako inaabutan ng antok.
Maya-maya tumunog yung cellphone ko for notification. Agad ko namang kinapa yon habang nakatingin parin sa laptop dahil maganda yung scene.
OMYGHAD! Agad kong pinause yung pinapanood ko at binuksan yung facebook app ko. Shet!
*Zach Egan sent you a friend request*
AAAAAAAHHHHHHHH!
Agad kong pinindot yung confirm at in-stalk siya. Hindi kita ang mukha niya sa profile niya dahil nakatalikod ito at nakatanaw sa magandang view sa unahan niya.
Tinignan ko din yung timeline niya at yung lastest post niya at 1month ago pa. Picture yun ng guitar niya na hawak niya pero hindi kita yung face niya.
Yung isa naman 3months ago pa at mukhang moving up ceremony nila sa Riona Academy. Kasama niya si Zoe, and dad niya.
Ang gwapo talaga ni Zach kahit kailan. Hihihihi. Manang mana siya sa daddy niya. Her dad looks so formal and serious. Mukhang mahihirap ako sa pamamanhikan namin. Ay joke.
Apakalande Amaya! Hahahaha.
Tinignan ko rin si Zoe. Hindi maitatanggi na maganda din siya. Nalulungkot nga lang ako dahil nga five years siyang naghahabol sa lalaking hindi siya gusto. Hello gurl, ang ganda-ganda mo o. Napansin ko na yun nung unang kita palang namin. Liligawan kita kung lalaki ako.
Nagscroll pa ako at puro gitara lang niya yung nakikita ko. Ano ba? Account ba to ng gitara mo, Zach? Gusto kong makita yung mukha mo. May mga picture siya pero kung hindi nakatalikod, nakaside view. Psh!
Napatigil ako sa isang old photo of a young woman. I guess it's his mom.
'I miss you'
That's the caption I saw. His mom passed away too early. :<
I wonder who make him feel the mother's love. His dad I guess make them the mom and dad's love.
Nag-scroll, scroll na lang ako at puro nga iyon gitara or beautiful view.
Sa tagal kong pag-i-scrol may nakita akong baby picture niya na hawak niya. Omo! Ang cute. Emeged! Nakikita ko na ang magiging itsura ng magiging anak namin. WHAHAHAHA!
Wait. Hinay-hinay. Palandi na ako ng palandi.
Nagscroll na lang ulit ako nang biglang napindot ko yung like. Like, what the--
AAAAAAAAA! NO!
ANG BOBO MONG DALIRI KA! Tinignan ko yung date. Jusko, 2015 pa! Napaghahalataang stalker!
Agad kung tinanggal yung react ko at nagback sa newsfeed. Argh! Kaso ang alam ko magno-notif parin yun sa kanya! >.<
Hays! Nanood nalang ulit ako dahil ang bilis ng kalabog ng dibdib ko. Sana hindi niya mapansin! Madami naman siyang likers and reactors kaya sana matabunan yung notif nung akin. >.<
Ubos na yung mango chips ko at hindi pa tapos yung pinapanood ko kaya bumaba ako sa kusina para kumuha ng cookies at ilang chichirya.
Pagbalik ko agad kong napansin yung cellphone ko dahil nakabukas ito.
Zach Egan :
"Still up? It's already 11."
SHET! OMO! AAAAAAAHHHHHH!
BINABASA MO ANG
Crazy Little Love
Teen FictionAmaya has a happy life with incomplete memories and the time she's ready to make it complete, she found not just memories but love. Her crazy little love. Status : Completed Posted on : May 14, 2020 - July 21, 2021